Walang Kapalit, Episode 68

by

Buntis na nga si Melanie.

Nagpunta si Cynthia sa opisina ni Noel para icongratulate siya sa wedding nila ni Melanie. Magpapagawa daw ito ng bahay.

Nagpacheck up si Melanie. Good news daw is healthy ang baby, bad news is kung hindi siya mag-iingat, makukunan siya ulit. Huwag daw itong magpapagod or magpapa-stress out. (When was the second time na nakunan siya? Hindi ko talaga maalala.)

Ayaw tanggapin ni Noel ang business proposal ni Cynthia.

Nabigla si Victor dahil nalaman niyang tumitingin ito ng mga models ng bahay. Sinabi nito na nasa States naman ang mga parents niya, so sa kanila na technically ang bahay. Pero sabi ni Cynthia, hindi pa rin daw sa kanila iyon.

Pinuntahan ni Noel si Brian. Nakikiusap ito kay Brian na kausapin si Cynthia na huwag na lang siya ang kunin niyang arkitekto.

Nagpunta si mukhang demonyo Ronald sa bahay nina Melanie at Noel. Noong makita ito ni Melanie, bumabalik na ito sa loob ng bahay pero pinigilan siya ni Ronald. Doon sila nadatnan ni Noel. Sinabi nito na hindi daw siya nagpunta doon para manggulo, kailangan lang daw ng tulong nito para sa daddy niya. Sabi ni Melanie, kung sina Elaine at Vanessa daw ang hihingi ng tulong, tutuungan nila pero siya hindi niya mabibilog ang ulo nito. Sinabi ni Ronald na pag siya ang nakabangon, humanda sila sa kanya.

Gustong malaman ni Arnold kung magkano lahat ng babayaran sa ospital dahil malapit na itong lumabas. Pinuprublema nila kung saan sila kukuha ng ganoon kalaking halaga. Sana daw namatay na lang ito. Sabi ni Elaine, gumagawa si Vanessa ng paraan. Naawa naman si Arnold sa bunso niya.

Hindi makatulog si Noel.

Naghihintay ng sundo si Vanessa sa labas ng trabaho niya. Hindi makaalis si Anton sa trabaho dahil hindi pa tapos ang pinapagawa ng boss niya. Hindi rin niya masagot ang phone nito, kahit tumatawag pa si Vanessa.

Hindi rin makatulog sina Ceding at Moody. Iniisip nila kung ano ang pakay ni Ronald. For the first time, lumitaw si Ceding ng nakalugay ang buhok.

May mga lalaking sumunod si Vanessa. Binuhat siya at tinangkang gahasain. Nakatakas ito, at sakto namang may dumadaang patrol. (Ang lakas naman ni Vanessa…)

Naglilihi sa mangga si Melanie ng madaling araw. Inutusan ni Ceding si Moody na kumuha ng mangga sa kapitbahay nila.

Noong nasa presinto na si Vanessa, tinawagan niya si Miguel para humingi ng tulong. Nagyakap sila.

Si Cynthia naman, nag-request na magpatayo na sila ng bahay. She asked that right after she and Victor had sex.

Ayaw umuwi ni Vanessa sa kanila dahil nga walang tao sa kanila. Sabi ni Miguel sa kanila na lang muna siya tumuloy, tutal nandoon naman si Melanie. Ayaw sana ni Vanessa dahil andoon din si Ceding, pero sabi ni Miguel, wag na siyang mag-alala. So, pumayag na rin ito.

Sinabi ni Ronald na hindi siya binigyan ng pera nina Melanie at Noel. Sinabi ni Elaine na hindi nila masisisi ang mga ito. Galit na galit si Ronald sa kaniala…sina niyang luha at dugo ang ibayayad nila sa pangga-gago nila sa kanya.

Bakit naman kasi siya ang pinahingi niya ng pera no…🙄

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 68”

  1. bernice Says:

    kakainis na ang nangyayari sa tele-seryeng ito. kung hindi lang kay piolo & claudine, nakakatamad nang panoorin. napaka-unrealistic na. sana nag end na lang ng kinasal na si noel & melanie. typical filipino teleserya parin ang alam ni wenn deramas.

  2. ptvj Says:

    tumataas din ang presyon ko sa mga recent developments ng story na ito. ang tanga tanga nila!!! grrr!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: