Natutulog ba Ang Diyos? Episode 8

by

Nagpunta sina Mike at Rose kina Patria at Bernardo para itanong kung nasaa si Gillian. Babayaran daw ni Rose ang mga utang nila, pauwiin lang daw nila si Gilian. Menor de edad pa raw ito pinagtatrabaho na nila. Binalaan sila ni Rose, irereport daw niya ang mga ito sa police for child abuse.

Si Andrew, naaalala ang mga sinabi ni Boy kina Rose at Mike. Nanghiram ito ng P10,000 sa kaibigan.

Akala ni Patria, si Bernardo ang nagsumbong kina Rose. Sabi ni Bernardo, bawiin na nila si Gillian dahil baka ipa-imbestiga pa sila nina Rose. Ayaw pa ring pumayag ni Patria.Paano daw nila mababayarang ang utang nila sabi ni Patria, si Bernardo na raw ang bahala doon.

(Hindi pa kasi tinanggap ang alok ni Rose.)🙄

Nakita ni Andrew na papaalis si Patria, sinundan niya ito.

Ipinakilala na ni Minerva si Gillian sa mga customers nito. Nasa gitna ito ng stage pero ayaw nitong sumayaw.

Nasundan ni Andrew si Patria sa night club kung saan niya ipinasok si Gillian. Napilitang sumayaw ito at nakita siya ni Andrew.

Ayaw pumayag si Minerva na iuwi ni Patria si Gillian dahil may nabigay na ng deposito para kay Gillian. Narinig itong lahat ni Andrew.

Narinig ni Tina na kausap ni Rose si Boy. Nalaman niyang si Boy ang nagsumbong sa pagkawala ni Gillian.

Nalaman ni Rose na umalis si Andrew kahit na grounded ito.

Binayaran ni Andrew ang isa sa mga taxi driver para iuwi si Gillian sa bahay nila.

Nalaman ni Boy na si Tina ang nagnakaw ng mga alahas ng nanay nila dahil nakita niyang may cellphone ito. Magsusumbong sana ito kay Patria, pero sinabi ni Tina na isusumbong din daw niya ito dahil alam na niyang ito ang nagsumbong kina Rose.

Ayaw pumayag ng customer na nagpa-reserve kay Gillian na i-delay muna ang pagta-table nito sa kanya. Binigyan pa niya ng karagdagang P10,000 dahil hindi lamang daw table ang gagawin niya dito, iuuwi pa niya ito. Noong narinig ito ni Gillian, tumakbo ito papalabas ng club. Nahabol siya ni Patria, at sinabing uuwi na sila.

Nakausap na ng taxi driver si Minerva. Narinig nina Minerva at Patria mula sa driver na handang magbayad ng P25,000 ang customer nito, kahit isang gabi lang.

Ipinasama naman nila si Gillian. Sapilitang isinakay nito si Gillian sa taxi. Nagkunwari itong nasusuka, kaya ipinara ng taxi driver ang taxi.

Pagkatigil ng sasakyan, tumakbo papalabas si Gillian.

Nabundol si Gillian ng isang paparating na sasakyan…

2 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 8”

  1. hEaVEn Says:

    i saw a bit of the episode coz i’m on a call(an episode on TFC is very short since there is almost no gap for advertisement – so if you walk out just to pee, you’ll miss a lot!) anyway, the twist is really nice especially on Andrew’s part… parang malapit ng matapos…:(

    thanks for this post again…

  2. ptvj Says:

    no problem.

    TFC din ako kaya napapanood ko rin iyung mga baduy na commercials.😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: