Ysabella, Episode 22

by

Ayaw tanggapin ni Ysay ang tulong ni Mito, dahil daw may kapalit sigurado ito. Wala ring nangyari, nalipat na si Perry sa ibang ospital. Humingi ng sorry si Trining, dahil tinanggap nito ang tulong ni Mito ng hindi kinukunsulta sina Ysay at Alex. Naiintindihan naman ni Ysay si Trining.

Sa bahay, kinumusta ni Andrew si Perry. Humingi ito ng paumanhin sa kalasingan niya kanina. Naihinga niya kay Andrew na ang dami na niyang utang at pinagkakautangan ng loob. Kung pwede nga raw sana itong mangutang sa iba para mabayaran na lang niya sina Georgia at Mito.

Sabi ng doktor ni Perry, vegetative state na daw talaga ito. Hindi na nagrerespond sa gamot or kahit anong treatment si Perry. Sinabi nito na pwede nilang ipagpatuloy ang treatment, wala ring patutunguhan ang lahat. Wala ng pag-asang maka-recover si Perry.

Ikinuwento ni Trining na bago siya na-stroke, pinag-usapan nilang magpakasal sa simbahan, dahil sa huwes lang daw silang nagpakasal. Sabi ni Ysay, opinyon lang naman daw ng doktor iyon. Sabi naman ni Trining siguro daw kaya nangyayari ito ay dahil nararamdaman na ni Perry na nahihirapan na sila.

Sinabi ni Georgia kay Ysay na pwede siyang ma-leave sa trabaho, pero kaya pa raw nito.

Nakatanggap ng tawag si Andrew sa kaibigan niya (kuya ni Juday in real life, Jeffrey Santos), pumayag na raw ang amo nito na bilhin ni Andrew ang lupa, pero kailangan na raw ng downpayment bukas na bukas din.

Nagdedeliberate sina Sofia kung sino ang kukunin nilang chef ng biglang pumasok si Victoria sa opisina nito, nanunuya. Si Aling Maria(?) na lang daw ang kunin nilang chef, iyong may-ari ng karinderya sa kanto. Sooner or later daw kasi magiging karinderya na rin ang Florencia’s.

Nanonood ang staff ng show ni Mito ng mapansin niyang umiiyak si Ysay. Doon gustong gawin ni Mito ang next episode niya. Tumatawa ang staff niya kasi masyado daw natouch si Ysay, pinagalitan sila ni Mito. Nagpasalamat si Ysay sa kanya, pero umalis lang si Mito. Kinumusta ni Georgia si Perry, pero ploy lang niya iyon para ipaalala kay Ysay na may utang na loob ito sa kanya. Narinig ni Mito ang usapan nila…

Bumaba na raw ang pagtingin ni Mito kay Georgia, kahit daw bilang isang kaibigan ipagdadamot na niya ang sarili nito sa kanya.

Nakita ni Lima si Jordan sa labas ng bahay nila, pero he didn’t say anything, he just drove away.

Pag-uwi ni Ysay, inabutan ito ng sobre naglalaman ng pera ni Andrew. Ayaw itong tanggapin ni Ysay, sinabi niyang tatanggalin na nila ang life support ni Perry.

Binendisyunan na ng pari si Perry, nasa loob ng kwarto sina Alex, Ysay, at Trining noong nangyayari ito. Nasa labas naman at nakadungaw si Mito.

Nagpaalam na sila kay Perry.

Ang heto ang mga sumusnod na pangyayari.

Inalis ang feeding tube.

Tinignan siya ng doktor.

Tumakbo ang doktor para tignan ang chart ni Perry. (Wasn’t he supposed to check on Perry? For a second there, I thought he though he wasn’t a doctor and he was going to say “Doc! Doc!”).

Nakakaloka.

Isang Tugon to “Ysabella, Episode 22”

  1. ma.cristina rosales Says:

    napakaganda ng ysabella

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: