Walang Kapalit, Episode 67

by

Nakunan nga si Cynthia. Tumawag si Victor, pero hindi niya sinabi dito na nasa ospital siya.

Bukas daw back to reality na sila, sabi ni Melanie kay Noel. Sabi naman ni Noel babalik naman siya as Mrs. Borromeo. Sana daw palagi na lang lasilang ganun sabi ni Melanie. Sisiguraduhin daw ni Noel na masaya sila forever.

Umalis si Cynthia sa ospital, nag-iwan na lang ito ng pera sa room kung saan siya naconfine. (Baka naman kulang yan ha…). Pag-uwi ni Cynthia (na duguan ang back part ng dress nito), sinabi ni Victor na she looked pale. Nag-shower ito at medyo dinudugo pa.

Naglalasing si Ronald, pinagalitan siya ng Daddy niya. Nagkasagutan sila…itinulak ni Ronald si Arnold. Nahulog ito sa hagdanan.

Sinusukatan si Melanie ng gowns niya noong dumating sina Elaine at Vanessa. Sinabi nilang malubha ang kalagayan ni Arnold at kailangan nila ng pera. Siya lang daw ang malalapitan nila. Kaagad namang sinabi ni Melanie na hind na sila magdadalawang isip pa sa kanya, dahil pamilya pa rin ang turing niya sa kanila. Nagyakap sila ni Elaine, habang si Ronald, patagong nagmamasid sa may pintuan.

Sinabi ni Melanie ang nangyari kay Noel. Okay naman si Noel sa ginawa ni Melanie.

Masama ang pakiramdam ni Cynthia, kinaumagahan. Baka daw buntis siya sabi ni Victor. Nagalit si Cynthia kay Victor dahil kinukulit niya ito.

Nagkita sina Brian at Noel. Nag-usap lang sila tungkol sa kasal ni Noel.

May dumating na package for Melanie, isang sira-sirang wedding gown. Suspect ni Melanie si Ronald, sina Ceding at Moody naman si Cynthia. Hindi naman kumbinsido ang bride ang groom. Ayaw ni Melanie na matulog silang magkasama ni Noel the day before the wedding. Hindi daw sila dapat magkita muna, pero ayaw ni Noel.

*Wedding Day nina Melanie at Noel*

Habang masaya sina Noel at Melanie, ipinakitang umiiyak si Cynthia, habang si Ronald nagmamasid sa may pintuan ng simbahan. Sa candles si Moody, e si Ceding, asan? (Nakakaawa naman ang itsura ni Ronald. Teka, bakit pweden silang nagpakasal sa simbahan ulit? Di ba annulled lang si Melanie?)

Nagsusuka si Melanie, hindi nila alam noong una kung bakit (naman! get a clue). Finally, nafigure out na nila. Plus, delayed si Melanie…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: