Natutulog ba Ang Diyos? Episode 7

by

Sinisingil na si Patria ng kaibigan niya. Wala naman siyang pambayad. May suggestion ito sa kanya…

Sinabi ni Bernardo na manghiram na lang sila kina Rose at Mike dahil kawawa naman si Gillian. Ayaw namang pumayag ni Patria.

Isinama ni Patria si Gillian, sinabi nito sa kanya na magtatrabaho ito bilang katulong ng kaibigan niya. Sa isang strip joint niya dinala ito. Doon nalaman ni Gillian na siya ang gagamitin niya para makabayad sa utang. Tumakbong papalabas si Gillian, pero nahabol siya ni Patria. Sinaktan na naman niya ito. Hinabol sila ng isa sa mga tao ni Minerva (iyong namamahala sa bar), ipinasama na ni Patria si Gillian papasok ulit sa bar.

At the same time, hindi mapakali si Rose, hindi maalis sa isip niya si Gillian. Hindi maalis nito sa isipan niya na ang mga pasa ni Gillian. Hindi naman daw nila business iyon sabi naman ni Mike.

Nakatanggap ng tawag si Mike mula kay Emma, at sinabing nag-back out ang mga ka-deal nila. Kasalanan yata ni Andrew dahil may mga hindi ito nagawa sa inutos niya.

Nagbigay ng P5,000 si Patria kay Ellang. Tinatanong ni Boy kung nasaan si Gillian, nagalit si Patria sa kanya. Nakiusap naman si Boy kay Bernardo na kunin na si Gillian kung saan man ito ginawang katulong.

Galit na galit si Mike dahil sa ginawa (or hindi ginawa) ni Andrew. Tinawag siya nitong bobo, grounded pa ito.

Sinabi ulit ni Bernardo na subukan na lang nilang manghiram ng pera sa mga amo nila. Hindi daw pwede dahil nagpaunang bayad na si Minerva. Paano daw kung pagdating ng panahon malaman nilang si Gillian ang anak nila. E di mabuti daw sabi ni Patria, para naman daw makaranas sila ng sakit dahil puro sarap na lang sila.

Galit naman si Minerva dahil ayaw magbihis pansayaw ni Gillian. Kinaibigan naman ito ng isang pang dancer.

Nagsumbong si Boy kina Rose at Mike. Narinig ni Andrew na ang stuffed na bigay niya kay Gillian ang dahilan kung bakit nagalit si Patria sa kanya. Narinig din niyang sinabi ni Rose na kasalanan nung nagbigay ng stuffed toy kay Gillian kung bakit ito napahamak si Gillian. Nakiusap naman si Boy na huwag iparating kay Patria na siya ang nagsabi.

Nakapagbihis na rin si Gillian at ipinakilala ni Minerva sa mga customers niya. May nagbigay ng isang libo kay Minerva to serve as a “reservation fee” kay Gillian…

4 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 7”

  1. hEaVEn Says:

    I am a fan of the show now I am a avid reader of this site na rin… thanks for posting each episode’s details. please continue to do so…

  2. ptvj Says:

    hi, thanks! i like this show too, naiinis ako kay patria, she’s so mean to gillian. grrrr.

  3. anonymous Says:

    does anyone know where i can watch a replay of this episodE?

  4. ptvj Says:

    anonymous: email me and i’ll send you a link: pinoytvjunkie[at]yahoo[dot]ca

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: