Ysabella, Episode 21

by

Huwag daw ipilit ni Mito ang sarili sa may ayaw sa kanya sabi ni Georgia, she’s not worth it daw.

Nababawasan na ang mga customers ng Florencia’s mula noong umalis si Victoria. Desperado silang maghanap ng bagong chef. Samantalang si Victoria, nagsasaya sa nangyayari –naglalasing ito at pasayaw-sayaw pa.

Matamlay si Mito sa mismong party niya. Pero niyaya siyang sumayaw ni Georgia, habang nakamasid si Ysay. Biglang naging sweet ang tugtog, gusto ng mga kasama sa trabaho nina Ysay na sumayaw sila ni Mito. Wala siyang nagawa kung hindi makisayaw na rin.

Buti naman daw at hindi niya ito pinahiya, sabi naman ni Ysay, mas bagay naman talaga sila ni Georgia. Nasense ni Mito na may kinalaman si Georgia sa panlalamig ni Ysay sa kanya. Nag-deny si Georgia, sinabayan pa niya ng wak out.

Kinaumagahan, napansin ni Andrew na malungkot si Ysay, kaya pinapasaya niya ito.

Nag girltalk sina Mito at JordanšŸ˜ˆ . Kakalimutan na lang daw niya si Ysay, sabi naman ni Jordan baka naman pagsisihan niya ito sa bandang huli.

Gumagawa ng love letter si Andrew…

Partner sina Lima at Jordan sa fundraising event (fish ball stand) ng outreach program nila.

Sinadya ni Mito si Ysay sa bahay nito, sinabi ng kapitbahay niya na baka wala daw ito dahil naita niyang umalis sina Alex. Bigong umalis na lang si Mito. Lingid sa kaalaman niya, nandoon si Ysay at nagtatago lamang.

Nagalit si Jordan dahil sexy ang suot ng mga girls na kasama nila. Pinasuot niya ito ng apron, pero walang bumibili sa kanila so inalis na rin niya. May mga estudyanteng bumastos sa kanya, so sinuot na lang niya ulit ang apron.

Hindi makuha ni Alex ng tama ang mga instructions ng director. During the break, nakita ni Alex na may nanggigitara.

Nagkamalay na si Perry, nagka-seizure ata ito. Sabi ng doctor, nag-stabilize na raw ang kundisyon nito. Sakto namang dadalawin siya ni Mito. Ikinuwento ni Trining ang mga paghihirap nila, lalo na ngayon kailangan daw ilagay sa ICU si Perry. (Ha??? Nasa comatose siya pero wala siya sa ICU?)

Sinabi ni Mito na may kilala daw itong isang dalubhasa (ang lalim nun a) sa kabilang ospital.

Nakasalubong ni Alex si Andrew, nakita nito na may dalang alak si Andrew, nag-inuman na lang sila. Nalaman ni Alex na si Ysay ang babaeng gusto ni Andrew. Hinahanap ni Ysay si Alex, noong nakita niya ito isinama na niya sa ospital dahil nagtext daw si Trining sa kanya at may masamang nangyari kay Perry. (At si Alex, hindi tinext ni Trining?)

Pagdating nila sa ospital, nalaman nila na ililipat na si Perry sa private hospital. Nalaman niya na si Mito ang tutulong sa kanila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: