Walang Kapalit, Episode 66

by

Sinamahan nga ni Moody (na naka-office attire pa!) si Melanie sa trabaho. Nagpunta si Cynthia para “warning-an” sila na kinausap siya ni Ronald at hinihikayat na magjoin forces sila ulit para hindi matuloy ang kasal nila. Nagpasalamat sina Melanie at Noel sa warning.

Ang sabi ni Moody: “Huwag ninyong sasabihing naniniwala kayo sa babaeng iyon.”

Pinuntahan ni Miguel si Vanessa, niyaya niya itong kumain para daw makapag-usap sila. Hindi pa raw siya sumusuko kahit na sila pa rin ni Anton. Maghihintay daw ito kahit gaano katagal.

Kinumusta ni Ceding ang unang araw ni Moody bilang boydguard ni Melanie. Ikinuwento ni Moody na nagpunta nga doon si Cynthia. Hindi rin naniniwala si Ceding sa sincerity ni Cynthia.

“Bati” na sina Victor at Cynthia. Gusto na raw talagang makalimutan ni Cynthia si Noel.

Natuloy na ang out of town trip nina Melanie, Noel, Moody, at Ceding. Mukhang masarap daw maghonyemoon dun sabi ni Melanie. E di doon na lang daw muna sila ng ilang araw ang sagot naman ni Noel.

Si Ronald, panay ang door bell kina Noel. Pinuntahan siya ng security guard (na nakabike!) at sinabing walang tao dun. Nagalit si Ronald dahil hindi nito agad sinabi sa kanya.

Niyaya ni Noel si Melanie na maglakad sa tabing dagat. Doon daw kasi niya ito unang hinalikan at nagalit sa kanila si Agnes. Kung daw ba kayang makita sila Agnes ngayon, magagalit daw ba kaya ito. Hindi na raw siguro. So they kissed…

Nasense ni Melanie na may binabalak si Noel, dahil may ipinakilala itong mayor. Ayan, lumuhod si Noel at nagpropose. Ikakasal na sila.

Ikinasal sila sa tabing dagat with Ceding and Moody as witnesses. Next scene: tapos na silang mag…um…honey moon.

Napansin ni Diane na may laging tinatawagan si Cynthia, narinig niyang “bakit hindi sumasagot si Noel.” Pero binawi rin ni Cynthia, Emmanuel daw ang pangalan ng tinatawagan niya na tauhan niya sa bakeshop. Sinabi niya ito kay Brian.

Nagpunta si Cynthia sa opisina ni Noel. Wala raw ang “mag-asawa” sabi ng secretary. Nashock si Cynthia, nabitawan niya ang cake, umalis itong umiiyak.

Tinatanong ni Moody si Ceding kung mabuntis kaya ulit si Melanie dahil ilang beses na raw itong nakunan. (Teka, e di ba once lang siyang nagka-miscarriage? Nakalimutan ko na ata…lol)

Tinawagan ni Noel si Brian para ibalita na ikinasal na sila ni Melanie. Matutuloy pa rin daw ang big wedding nila as scheduled.

Si Cynthia, iyak ng iyak habang nagmamaneho. Nakita niyang may dugo flowing down her legs. Dinala niya ang sarili niya sa ospital.

Sina Melanie at Noel, on honeymoon mode pa rin. Nagreremisnice pa sila ng mga pangyayari noong bata sila, esp. noong nahulog si Melanie sa kumunoy.

Nakita ni Miguel na nandoon na naman sina Ronald sa kanila. Mamumuti lang daw ang mga mata niya dahil matatagalan pa sila sa honeymoon nila. Nashock din siya kagaya ni Cynthia…

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 66”

  1. lani Says:

    Thanks for the update!!!

  2. ptvj Says:

    you’re very welcome

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: