Natutulog ba Ang Diyos, Episode 6

by

Nang nagkamalay tao na si Gillian, tinawag niyang basos at sinampal si Andrew. Iniimagine ni Andrew ang muntikan na niyang paghalik kay Gillian. Isusumbong sana ni Gillian si Andrew sa Daddy nito kagaya ng banta niya, pero naawa yata kay Andrew at hindi na niya ginawa.

Ibinigay na ni Rose ang sweldo ni Gillian, pero ibinigay na rin niya lahat kay Patria. Pero gusto pa rin niyang patigilin sa pag-aaral si Gillian.

Ayaw sumamang manood ng sine ni Andrew, uuwi na lang daw siya sabi niya kay Mark. Bumili muna ito ng stuffed toy para kay Gillian. Nasa labas na ito ng bahay nina Gillian hawak ang peace offering niya, nagre-rehearse pa nga ito ng kung anong sasabihin niya.

May narinig na ingay si Gillian sa labas, paglabas nito stuffed toy na lang nag nakita niya. Akala niya si Mark ang nagbigay nito, na disappoint tuloy si Andrew hindi na siya nagpakita.

Nawawala ang mga pera ni Patria, nakita niya ang bagong stuffed toy ni Gillian. Siya ang pinagbintangan nito. Pinuntahan ni Patria si Mark para itanong kung siya nga ang nagbigay, siempre itinanggi ito ni Mark. Binugbog ni Patria si Gillian. Habang si Mark naman sinabihan ng mommy niya na hindi sila mga bata ni Gillian, baka nga nanliligaw na ito kay Gillian.

Nakita ni Bernardo na umiiyak si Gillian, pero umalis lang ito ng walang sinabi kay Gillian.

Kinaumagahan, susungitan sana ni Andrew si Gillian, pero nag-worry ito noong nakita niya ang mga pasa sa mukha niya. Kinausap ni Rose si Patria, pero sinagot lang siya nito. Isinumbong niya ito kay Mike, pero sabi ni Mike kahit magaang ang loob niya kay Gillian, wala silang magagawa. Unless sumobra na daw ang ginagawa ni Patria kay Gillian, doon na lang sila makikialam. (Geez! Binubgbog na nga, e).

Kinausap ng mommy ni Mark si Andrew, nagwoworry ito na baka nagkakagusto ang anak niya sa isang anak ng katulong. Hindi naman daw siguro bad ang taste ni Mark sabi ni Andrew. Nakahinga naman ng maluwag ang mommy ni Mark.

Kumuha ng alahas worth P25,000 si Patria sa kaibigan niya na dati niyang kasamang dancer. Pwedeng pwede daw si Tina na maging dancer, pero siempre hindi naman pumayag si Patria, pero noong sinuggest ng kaibigan niya na si Gillian ang gawin nilang dancer, parang nagka-idea si Patria.

Kinausap ni Bernardo si Patria, dahil daw sa pagmamalupit niya kay Gillian napapalapit ito kina Rose at Mike.

Pinuntahan ni Mark si Gillian, malamig ang pakikitungo niya dito dahil hindi niya inamin na sa kanya nanggaling ang stuffed toy. Nalaman na ni Gillian na hindi talaga si Mark ang nagbigay ng stuffed toy. Baka daw si Andrew, sabi ni Mark. Sabi ni Gillian, imposible daw iyon dahil puro sakit ng ulo ang ibinibigay nito. Nagalit si Andrew, sinungitan na naman niya si Gillian nag walk-out ito tuloy.

Nawawala ang mga alahas na ibebenta sana ni Patria. Si Gillian na naman ang pinagbibintangan niya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: