Ysabella, Episode 20

by

Malabo daw silang kausap sabi ni Andrew at umalis siya. Sinundan siya ni Ysay sa dining room humingi ng sorry, nawala lang talaga sa isip ni Ysay na may lakad sila, magmeryenda na lang daw sila. Itinanong ni Andrew kung nanliligaw sa kany si Mito. Deny to death naman si Ysay.

Hindi mapalagay si Georgia, ipinatawag niya si Ysay. Na-approve ang increase sa sweldo ni Ysay, kaya laking pasalamat niya kay Georgia. Naiyak si Georgia kasi naalala daw niya noong binigyan niya ng increase si Mito pati na ang mga pinagdaanan nila ni Mito. She was beginning to question herself daw. So, nagdrama na siya sa harap ni Ysay…

Sinabi niya na mahal pa rin niya si Mito hanggang ngayon. Sinabi din niya tang tungkol doon sa ipinatanggal niyang babae na nakikipag-flirt kay Mito. She wants him back daw, at matutulungan siya ni Ysay. (I smell emotional blackmail…)

Nagluluto na si Mito para sa dinner nila ni Ysay. Tinukso siya ni Jordan, wala na raw ba si Georgia sa equation. Nag-ring ang phone nito, Lima is on the other line, pero hindi niya sinasagot. Nakita sila ni Victoria, kaya hindi na siya nakatawag ulit.

Nag-resign ang chef ng Florencia’s habang sinasabi ni Sofia na kailangan nila ng bagong menu, kaya nagduda si Sofia na may kinalaman si Victoria. Na kay Victoria daw ang loyalty nito.

Naglalakad-lakad si Ysay, tumatawag si Mito pero hindi niya sinasagot ang tawag nito. Tinext niya si Mito at sinabing hindi siya makakarating. Naglasing na lang si Andrew dahil hindi siya sinipot ni Ysay sa lakad nila. (Wala ba siyang cellphone?)

Nakatanggap ng test si Jordan kay Lima, humihingi ito ng sorry. Hindi ito nagrereply, so tumawag ulit si Lima. Siya namang pagdating ni Victoria, kaya naudlot na naman. Dumating si Sofia at iniimbita sila sa kasal niya.

Binabasa ni Ysay ang sulat ni Rosario — to seek guidance siguro.

Dumating si Andrew, nagalit ito kay Ysay. Siya namang pagdating din ni Mito, may dalang pagkain. (Hindi marunong kumatok si Mito)…

Narinig ni Andrew na si Mito sinabihan ni Ysay na hindi siya makapunta. Umalis ito.

Pinaghain ni Mito si Ysay. E hindi naman pala siya kumakain ng palaka. (Ano ka ba Mito, hindi lahat ng Kapampangan kumakain ng palaka). Nag-speech na si Mito…something about mas may lasa na ang mga niluluto niya dahil kay Ysay. (Sorry ha, bina-block out ng utak ko kapag drama ang palitan ng usapan nila). Binigyan siya ng bulaklak (made of patatas? or candle wax?), nagtapat na nga ito. Kaya daw niyang maghintay…

2 Tugon to “Ysabella, Episode 20”

  1. nawawala Says:

    sobrang nadistract ako sa 2 inches na pilikmata ni georgia habang kausap si ysay kaya di ko masyadong napakinggan mga sinasabi nya! bwehehehe.. grabe, OA talaga ng eyelashes. kainis! tapos nagdadrama pa sya non.. hindi bagay!!

    tapos muntik na ‘ko maiyak sa pag-appear ni mito sa bahay ni ysay at may dala pang picnic basket! siyet! ba’t walang gumawa sa ‘ken non? hehehhehe… sweet!! cute talaga ni derek!! no, hindi cute. GWAPO! =)

  2. sarap talaga weeeee lasang chicken hahahaha( weee allergy ko) « k3mbot Says:

    […] Ysabella, Episode 19 […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: