Walang Kapalit, Episode 64

by

Tinatanong nina Moody at Ceding kung ano ang nangyari sa dinner kinagabihan. Inis na inis naman na nagkwento si Melanie. Pinayuha ni Ceding si Melanie, sinabi nitong sa ibang lugar lang sila matatahimik, kaya mangibang bansa na lang sila.

Pinuntahan ni Anton si Miguel at pinakiusapang huwag na siyang umeksena pa. Wala daw ba siyang tiwala kay Vanessa? Sa kanya daw walang tiwala ito.

Nagpunta si Cynthia sa gitna ng meeting ni Noel at ang staff nito. May dala itong sample ng wedding cake, nakita siya ni Melanie. Pero dinedma lang siya ni Melanie.

Sinabi ni Ronald kay Recy na si Melanie pa rin ang mahal niya.

Sinabi ni Victor kay Brian na parang nagbalik na si Cynthia sa dati. Ano daw ang dapat nilang gawin. Naiiyak na Victor, hindi na raw niya alam ang gagawin niya. Pinuntahan ni Brian si Cynthia at sinabihang layuan sina Melanie at Noel, or else siya na ang makakalaban niya. Magkalimutan na daw silang magkapatid kapag tinuloy niya ang kabaliwan niya. Baliw naman daw siya, bakit daw siya paniniwawalan kung sasabihin nito na titigilan na niya si Noel.

Tinawagan ni Melanie si Recy at sinabing mukhang nagsisimula na naman daw si Ronald sa kanya. Sinabi ni Melanie na mag-ingat na lang daw.

Sinabi ni Melanie kay Noel na natatakot siya kay Ronald. Sinabi ni Melanie na lumayo na daw sila, para makaiwas sa gulo. Hanggang kailan daw sila magtatago sabi ni Noel, dapat daw hinaharap ang mga problema hindi tinatalikuran.

Tinatawagan ni Ronald si Melanie, ayaw sagutin ni Melanie ang phone dahil unregistered number daw. Si Noel ang suamgot, ibinaba ni Ronald. Bukas na bukas din daw papalitan nila ang number niya, magha-hire na rin daw siya ng bodyguard. Ayaw ni Melanie ng bodyguard, pero ipinilit ni Noel ang gusto niya kaya nag-away sila.

Sa hapunan, cold war pa rin sila. Si Ceding na ang nagdesisyon, si Moody na lang ang bodyguard ni Melanie. Iminungkahi din niya na magbakasyon sila para maalis naman ang stress nila.

Ayaw papasukin si Ronald sa opisina nina Melanie, nakasalubong niya si Cynthia. Inaalok ni Ronald si Cynthia na makipag-join forces siya dito. Hindi pumayag si Cynthia. (Bakit si Cynthia, hindi banned?)

Sinabi ni Cynthia kina Noel at Melanie na inalok siya ni Ronald na maki-join sa evil plan niya. Nagkunwari siya na concern na concern para sa dalawa…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: