Walang Kapalit, Episode 65

by

Hindi sinabi ni Noel na nakita niya si Ronald sa opisina ni Melanie. Sinabi lang nito na may appointment sila sa wedding coordinator.

Matamlay si Ceding. Itinanong ni Moody kung bakit siya bumalik. Para daw maipagpatuloy ang pagsasakripisyo niya para sa anak niya. Kinukumbinsi ni Moody si Ceding na sabihin na ang totoo, pero ayaw pa rin.

Sa meeting nila with the coordinator, nagkainisan sila at sinabi ni Melanie na baka gusto niyang imbitahan si Cynthia, baka daw gusto niyang imbitahan si Ronald, sagot naman nito.

Tinawagan ni Moody si Vanessa, hindi alam ni Vanessa na nasa tabi ni Moody si Miguel. Ibini-build up nito si Miguel, hindi magets ni Moody ang ibang gestures ni Miguel kaya si Miguel na mismo ang kumausap sa kanya. Pmayag si Vanessa na magkita sila ni Miguel. Itinanong ni Vanessa kung nagpunta si Ronald sa bahay nila.

Hiningi ni Cynthia ang cellphone number ni Noel kay Brian, ayaw ibigay ni Brian noong una pero nagdrama na naman si Cynthia. Dahil daw ba iniisip nilang baliw pa siya kaya ayaw nilang ibigay, kaya ayun ibinigay na rin.

Nagkita sina Miguel at Vanessa. Humingi ng tawad si Miguel sa pagbabalewala nito sa kanya noon. Pinatawad naman siya ni Vanessa.

Tumawag si Cynthia kay Noel. Nireremind siya nito tungkol sa dinner, rain check muna daw sabi ni Noel. Sinabi na naman ni Cynthia tungkol sa closure. Kaya pumayag na rin ito. Geez.

O, Sabado na…

Ayaw sumama ni Melanie, pinilit lang siya ni Noel. Nagkaroon pa sila ng argument. Nakipagbargain si Noel at sinabing kung may ginawa si Cynthia na hindi maganda, aalis na lang sila.

Super asikaso si Cynthia sa kanila during the dinner, especially sa asawa niya. OA na siya ha.

Natapunan ni Cynthia si Noel ng wine. Despite his protest, ipinahiram ni Cynthia si Noel ng t-shirt. Habang wala sila humingi ng paumanhin si Victor kay Melanie sa inaasta ni Cynthia. Si Cynthia naman balak pang tsansingin si Noel, pinigilan lang siya ni Noel.

Victor was trying to make small talk to Melanie. Pinag-usapan nila kung kailan unang nagkagusto si Cynthia kay Noel. Hindi mapalagay si Melanie, tinatanong niya si Victor kung pwedeng i-check sila Cynthia at Noel kasi matagal na sila. Pero bago pa sila nakapagdesisyon, dumating na sila.

Nagyaya na si Noel na umalis, kahit anong pigil ni Cynthia, hindi na sla napigilan. Nagalit si Melanie kay Noel, pero palagay ko okay naman sila…

Naikwento ni Moody kay Ceding ang itinanong ni Vanessa sa kanya tungkol sa Kuya Ronald niya. Nag-alala tuloy si Ceding. Dapat daw pag ikinasal na sila mangibang bansa na lang sila para matahimik na sila.

Itinanong ni Victor si Cynthia kung mahal pa niya si Noel. Umamin ito. Nagalit si Victor, ni-rape niya si Cynthia. Humingi ito ng tawad, pero leave me alone daw sabi ni Cynthia.

4 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 65”

  1. nawawala Says:

    nag-reincarnate si hugo kay victor!! hehe…

  2. nawawala Says:

    pero feel na feel ko yung iyak ni victor.. napaka-sincere ng dating!

  3. ptvj Says:

    natype cast na siya sa mga role na nagsesave kuno ng babae, tapos in the end ayaw rin sa kanya. lol.

  4. nawawala Says:

    oo nga eh! kakapanood ko lang ng “THe Promise”, ganun din ang role nya doN! pero ako gusto ko sya! sa ‘kin na lang sya! hehehe..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: