Natutulog ba Ang Diyos? Episode 5

by

Nakita ni Rose na naka-uniform si Gillian, sinabi nito na part time job lang niya ito. Sinita ni Rose si Mike kung bakit daw ito pumayag. Nakiusap daw kasi si Bernardo. E di sana raw sabi ni Rose na sa opisina na lang daw siya kinuha para magtrabaho.

Pinag-uusapan nina Mark at Andrew si Gillian. Naiinis na raw si Andrew dahil lagi siyang kinukumpara ng mga magulang niya sa kanya. Tignan daw niya kung hanggang saan ang sipag nito Lalong nang-iinis si Andrew, nagpapa-serve pa ito, lagi pang nagkakalat. (Pero may scene na nagbabasaan sila sa hose…).

Binuksan ni Gillian ang banyo, nakita niya si Andrew na nakahubad…

Sinadya ni Mark si Gillian. Noong marinig niyang siya ang pakay nito, tumakbo to papasok sa bahay para magpalit. Pero humarap na rin ito ng nakauniform sa kanya. Nalaman niya mula dito na nagsa-summer job siya kina Andrew.

May sorpresa daw si Andrew sa kanya…hinila niya ito sa labas ng bahay at dinala sa kabilang bahay. Ipinakita niya ang bahay na lilipatan niya. Gustong tumulong ni Gillian, pero sabi ni Mark okay lang. Mamaya na raw sila magkita sa bahay nina Andrew dahil doon sila magdidinner ng mommy niya.

Natapunan ng soup ni Gillian ang mommy ni Mark. Tinawag niya itong tonta at dangerous. Galit na galit si Patria, pinagsasampal at pinagsasabunot na naman si Gillian. Nakita sila ni Rose, pinigilan niya si Patria.

Umupong umiiyak si Gillian sa bangko habang naaalala lahat ng mga pagmamalupit sa kanya ni Patria. Nakita siya ni Bernardo at sinabi nito na kung tatanggapin daw niya ang lahat, kung hindi daw siya lumalaban, gagaan ang buhay nilang lahat. Tinanong ni Gillian kung bakit kahit kaunting pagmamahal ay hindi nila maibigay sa kanya.

Kinaumagahan, humingi ng paumanhin si Mark kay Gillian sa inasal ng mommy niya noong nakaraang gabi. Binigyan siya chupachups ni Mark bilang peace offering.

Noong tinignan ni Andrew ang bagong bahay nina Mark, sinabi niya kay Mark na lagi na niyang mapupuntahan si Gillian. Pinapaamin niya ito na may gusto siya kay Gillian. Sinabi ni Mark na kababata naman daw nila si Gillian, bakit hindi niya ito ituring na kaibigan.

Nasa tabi ng pool si Andrew at kinukulit niya si Gillian. Pilit siyang nagpapalagay ng lotion sa likod. Ayaw ni Gillian, tinabig nito ang lotion. Itinulak siya ni Andrew sa pool.

Hindi marunong lumangoy si Gillian…

Isang Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 5”

  1. mika Says:

    killiiiiiiiiiiiiiigggggggg! danda rox!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: