Natutulog ba Ang Diyos? Episode 4

by

Sinundan ni Gillian si Andrew sa bar, pinapauwi na siya nito pero ayaw nito. Pinapalabas siya ng bouncer, pero sinabi ni Mark na okay lang na pwede siyang pumasok. Isinumbong ni Gillian si Andrew at sinabing underage ito kaya hindi siya nakabili ng alak. Lumabas si Gillian at may lalakeng lasing na nambastos dito. Ipinagtanggol siya ni Mark, pero sa bandang huli, siya pa ang nambugbog doon sa lalake.

Sakay ng taxi, inihatid ni Mark si Gillian sa bahay nila. Naabutan naman sila ni Andrew sa gate.

Binuksan ni Gillian ang gate para makapasok ang kotse ng minamaneho ni Andrew. Hindi niya alam, gising pa si Rose at nakita ang nangyari. Sinundan niya si Gillian at tinanong kung saan sila nanggaling ni Andrew…

Sa almusal, kinausap si Andrew ng mga magulang niya at tinanong kung saan ito nanggaling noong nakaraang gabi. Galit na galit si Andrew, mukhang uumbagan pa ata si Gillian. Pinigilan lang siya ni Mike at na-grounded si Andrew.

Inaway ni Andrew si Gillian. Pinigilan siya ni Patria, pero siya naman ang nanampal at nanabunot dito. Dumating si Bernardo, para pigilan si Patria pero sinabihan niya si Gillian na sumunod na lang sa nanay niya or else malilintikan siya dito.

Nakita ni Rose si Gillian sa tabi ng pool. Kinausap niya ito at humingi ng paumanhin sa nangyari, naipit nga naman ito sa sitwasyon. Isinama siya ni Rose na mag-shopping. Nagka-bonding experience sila, ipinamili pa siya ni Rose. Para daw kahit papaano feeling niya may anak siyang babae. Pag-uwi nila, sinabi ni Rose na samahan pa siya nito sa susunod.

Sinita ni Mike si Rose sa pagbili ng bagong t-shirts dahil grounded ito.

Nagba-basketball sina Andrew at Mark, biglang dumaan si Gillian. Hinubad nito ang t-shirt niya at ibinato ay Gillian, labhan daw niya. Pinuntahan siya ni Mark sa lugar kung saan siya naglalaba at tinulungan siya nito. Tinukso sila ni Boy.

Ibinigay ni Gillian ang tshirt niya pero hindi ito kuntento, labhan daw ulit. Nagalit si Gillian, kinuha niya ang cake at nilagay sa suot na shirt ni Andrew. Nag-away na naman sila. Pinagalitan siya ni Patria.

Naiinis na nagtatrabaho sa opisina si Andrew. Paglabas niya ng opisina, sinalubong siya ni Bernardo, nag-usap sila tungkol sa pagod niya. Sinabi ni Andrew na nakakagaan ng loob ang mga sinasabi niya. Siya namang pagdating ni Mike, may dalang convertible para kay Mike. Basta daw magpakabit siya at huwag na siyang makipag-away kay Gillian.

Nagselos tuloy si Bernardo at nag-aalala naman si Patria na hindi na nila mababawi si Andrew.

Nakita ni Andrew na naka-uniform ng maid si Gillian, nagpakuha pa ito ng juice…

2 Tugon to “Natutulog ba Ang Diyos? Episode 4”

  1. Antonette Says:

    very bad talaga si andrew!..hheehhhehe..pero may gusto naman kay gillian..hehhehe

  2. ptvj Says:

    kahit alam kong hindi totoo, naiinis ako kay andrew😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: