Ysabella, Episode 18

by

Ipinakita ang pagluluto nina Victoria at Ysay. Si Victoria, napaka-calm ang collected niya, habang si Ysay ay natataranta. Sagay, maraming alalay si Victoria.

Mukhang nagluto lang ng marami si Victoria dahil nandoon si Andrew (pero sabi niya kay Phuket, kaya siya nagluluto ay dahil kumakagat na si Sofia sa pain nito). Noong nalaman niyang umalis na si Andrew madaling araw pa lang, nawalan na ito ng gana at umalis siya.

Puro palpak ang lahat ng mga niluto ni Ysay. Sabi ni Alex, may problema daw ito dahil pag may problema lang siya pumapalpak magluto. Inamin ni Ysay na si Mito ang problema niya. Nalaman nila kay Trining na sinisingil na naman sila sa ospital.

Habang naglalakad sina Ysay at Alex, nakita nilang inaalis na ang “Victoria’s Chicken” sa Florencia’s.

May nagsabi kay Sofia na noong inintroduce ni Victoria ang Victoria’s chicken, may tsismis na ninakaw lang daw niya ang recipe nito. (She didn’t know that? You’d think she’ll dig up on her dirt, no?). Baka daw pwede nilang i-epxplore ang angle na iyo. Nagpunta si Ysay sa Florencia’s at hinahanap ang manager. Nagkita sila ni Sofia.

Nalaman ni Ysay wala na si Victoria sa Florencia’s pati na ang Victoria’s Chicken.

Nagkit sa iskwelahan sina Lima at Jordan pero hindi sila nagpansinan.

Inimbitahan ng isa sa mga business associate ni Andrew sa isang open mic. Kung may kilala daw ito ng pwedeng magperform.

Masayang masaya si Trining dahil bayad na sila sa ospital. Binayaran ni Georgia ang lahat ng utang nila sa ospital. Laking pasasalamat ni Ysay sa kanya. According to Georgia asset na siya ng show, at ilalakad pa niya na itaas ang sweldo nito per episode. (Ysay, si Mito ang kapalit niyan😈 ). Nagdasal sina Alex at Ysay, sabi ni Alex kelan naman daw darating ang sweldo niya.

Dumating si Andrew at ibinigay kay Alex ang flyer ng open mic. Ayaw magperform ni Alex, sabi ni Ysay takot itong kumanta sa harap ng ibang tao. Ayaw pa ring pumunta ni Alex, pero sabi ni Ysay, kung kakaladkarin raw niya ito.

Tinanong ni Ysay si Andrew kung saan ito natulog noong nakaraang gabi. Hindi siya sinagot ni Anrew, sa halip ay sinabing “Namiss mo ako no?” Oo, daw sabi ni Ysay, kasi walang kumakain sa mga tira nila. Sweet dreams daw sabi ni Andrew, natawa lang si Ysay.

Si Alex, panay ang titig sa flyer ng open mic. Naalala niya noong sumali ito ng contest, hindi siya makakanta at pinagbabato pa siya ng mga tao.

Tumawag si Mito kay Ysay, niyaya niya itong magdinner kinabukasan. Kunwari hindi siya affected pero kilig na kilig ito habang kausap siya. Pumayag naman ito. Ipagluluto siya ni Mito.

Nakita ni Phuket na malungkot na binabasa ni Lima ang sulat ni Jordan sa kanya. Nadulas ito at sinabing “Ang Mommy mo kasi e… .”

Napansin ng mga staff at ni Georgia na nagmamadali si Mito na umalis. Tinanong pa niya ang isa sa mga staff kung Kapampangan daw ba ito at kung marunong siyang magluto ng batute? (Ano iyun? Kapampangan ako hindi ko alam kung ano iyon…)

Hindi mapakali si Ysay, hindi niya alam ang isusuot niya. Akala ni Andrew na nag-re-ready lang ito para sa lakad nila (the same night na date nila ni Mito). Sinabi ni Alex na may lakad si Ysay at si Mito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: