Walang Kapalit, Episode 63

by

Very uncomfortable si Melanie sa encounter nila ni Cynthia, samantalang ang isa naman e kwento ng kwento tungkol sa marriage life niya. Humingi ng tawad si Cynthia sa mga pangyayari, pero in-excuse lang ni Melanie ang sarili niya at umalis na ito.

Pinipigilan ni Moody na umalis si Ceding, pero ayaw papigil ng isa. Ipinapangako ni Ceding kay Moody na dadalhin nito sa hukay ang sikretong sinabi nito dito at huwag sasabihin kina Noel at Melanie. Sumakay na ito ng taxi.

Sinundan ni Cynthia sina Melanie at Noel sa labas ng grocery store. Inimbitahan ni Cynthia ang dalawa for dinner sa bahay nila, ayaw pumayag ni Melanie noong una pero since pumayag si Noel, so pumayag na rin siya. (Hindi man nila inalam kung anon address ni Cynthia?) Habang nasa kotse, sinabi ni Melanie na ayaw maniwala nito na nagbago na si Cynthia, sabi ni Noel bigyan na lang daw siya ng benefit of the doubt.

Habang si Cynthia ay nagwawala sa loob ng kotse niya, iyak ito ng iyak.

Sinabi ng maid kay Victor na matamlay si Cynthia pagkagaling niya sa grocery. Nagtataka rin ang maid dahil nagkakadoble-doble ang mga pinamili nito. Nag-umpisa na namang mag-alala si Victor.

Sa dinner, nag-a-argue pa rin sina Melanie at Noel dahil sa pagpayag ni Noel na pumunta sila sa bahay ni Cynthia. Dahil sa lasa ng kinakain nila, nalaman nilang hindi si Ceding ang nagluto. Sinabi ni Moody na nagpunta ng probinsiya si Ceding dahil mayroong maysakit. Nag-alala naman ang dalawa at sinabi ni Melanie na puntahan ni Noel si Ceding dahil baka kailangan ito ng tulong. Nataranta na si Moody, pilit sinasabing wala siyang alam, hanggang hukay hindi raw siya magsasalita.

Nasa simbahan si Ceding at naaalala niya ang pangyayari sa nakaraan mula noong pagkabata ni Noel. Sinabi nito sa pari ang problema niya. Ano raw ang gustong mangyari ni Ceding itago na lang habang hubay ang lihim or habang buhay na lang niyang iniisip ang resulta ng pagbunyag ng lihim na ito…

Nagpunta si Brian kina Victor, sinabi ni Brian na nag-aalala na naman ito. Baka raw buntis si ito, sabi ni Brian. (Kinakain niya ang balat ng peras?)

Nalaman ni Noel na wala lahat ng gamit ni Ceding. Hinahanap nina Melanie at Noel kung nasaan si Moody para tanungin. Nagtago ito sa hardin, kaso nakagat ito ng langgam😆 . Pilit nilang pinapaamin kung nasaan si Yaya Ceding. Babawasan daw niya ang sweldo niya, sabi ni Noel kung hindi niya sinabi. Ayaw pa ring sabihin, so sinabi ni Noel tataasan nito ang sweldo niya. Pagkatapos ng negosasyon nila, sasabihin na sana ni Moody ang totoo (but not before asking forgiveness to Ceding), biglang dumating si Ceding.

Nahihiya lang daw sa inasal niya kaya umalis ito. Napag-isip isip daw niya na dapat ilagay na lang niya sa lugar ang sarili niya, dahil mula pagkabata pa ni Noel feelng niya may karapatan ito higit pa sa isang Yaya. Sabi naman ni Noel, pamilya na ang tingin nito sa kanya. Kung bigyan man daw ng pagkakataon ito na mabuhay muli, siya ang pipiliin nitong maging ina. Tuwang tuwang nagyakap ang dalawa.

Sinabi ni Brian kay Dianne na nag-aalala siya kapatid, napapansin niya ito.

Itinanong ni Vanessa kung saan galing ang perang ibinigay ni Ronald sa mommy nila. Ayaw sabihin ni Ronald, kaya ang sabi ni Vanessa sana kung saan man niya kinuha ito ay kinuha sa mabuting paraan, or else malalaman at malalaman din niya.

Nagpunta si Ronald sa opisina ni Melanie para sabihing may cancer ang mommy niya at kailangan ng pang-chemotherapy. Ipinaalala na naman niyang kaya bumagsak ang kumpanya nila ay dahil sa kanya. Narinig ni Noel ang lahat…

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 63”

  1. nawawala Says:

    nakita ko yung susunod na episode… sa lahat ba naman ng pagseselosan nila eh yung ex pa nilang may sayad? tsk tsk..

  2. ptvj Says:

    dapat kasi tapusin na, nagiging ridiculous na lang ang story.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: