Ysabella, Episode 17

by

Gusto ng bumalik ni Lima si Andrew (bakit ba parang nauubusan na ng pangalan ang sa ABS CBN?), pero ayaw pa rin nito.

Sa meeting, isinuggest ni Ysay na sa palengke naman sila magpunta para hindi puro pasosyal ang alam ni Andrew. Sabi ng big boss ng station (na daddy ni Georgia), may chemistry sina Mito at Ysay. Puro papuri ang sinasabi nito kay Ysay. Nagseselos naman si Georgia diyan, nagtampo tuloy ito sa Daddy nya. He can see through her, kaya ayan pinagalitan niya ito dahil pinakawalan pa niya si Mito. (Hay naku, Daddy ni Georgia, 2007 na po ngayon, hindi lang sa bahay nararapat ang mga babae).

Sinabi ni Victoria kay Sofia na ipu-pull out niya lahat ng shares nito sa Florencia’s na ikinagulat naman ni Sofia at ng kapatid nitong lalake na hindi ko alam ang pangalan na hindi nakarating sa burol ng sarili niyang tatay.

Inihatid ni Mito si Ysay sa bahay nila. Itinanong ni Mito kung pwede siyang mag-stay muna kina Ysay, pero sabi ni Ysay, maghapon na silang magkasama. Hindi matapos-tapos na goodbye ang nangyari, in the end nagkamay na lang sila. Pag-akyat sa bahay ni Ysay, kilig na kilig ito at umaapaw ang ngiti.

Kinikilig ako๐Ÿ˜ˆ .

Sinabi ni Andrew kay Lima na nakita na niya ang babae para sa kanya, si Ysay Cuenca daw. Sabi ni Lima magkakasundo daw sila ni Victoria kasi pareho silang magluto. Mahirap daw yan kasi showbiz. Hehe. Humingi ng tips si Andrew paano siya magugustuhan ni Ysay. (Naman, ang tanda mo na di ka pa marunong manligaw.)

Si Mito naman, kinakausap ang sarili habang nagmamaneho. Kinikilig siya, so kinikilig din ako.๐Ÿ˜†

Pag-uwi ni Mito, nandoon si Georgia looking seductive, may dala pa itong wine.

Nalaman ni Victoria na nasa bahay si Andrew (hindi ba alam ng mga katulong na pumupuslit lang si Andrew doon? Geez). Pagpasok ni Victoria sa kwarto ni Lima, nakita niyang nakatulog na sina Lima at Andrew.

For a moment there, nagmukhang motherly ang gaze ni Victoria.

Sineseduce ni Georgia si Mito, ayaw pumayag ni Mito. Naks. Ayaw pa rin kahit anong pang-aakit ang ginawa nito. Meron na raw ba siyang iba kung kaya’t ayaw nitong pumayag? Hindi kumikibo si Mito, kaya tinanong niya kung si Ysay raw ba ang babaeng iyon?

Nagdrama na silang dalawa. Umiyak si Mito, dahil sinayang daw ni Georgia ang relasyon nila dahil masyado itong obsessed sa trabaho niya. Inamin nito na mahal niya si Ysay.

Halika nga dito Mito, dadamayan kita. I can be your shoulder to cry on๐Ÿ˜ˆ .

Umiiyak na umalis si Georgia…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: