Walang Kapalit, Episode 62

by

Hindi magets ni Noel bakit nagwalk-out si Ceding.πŸ™„

Nagsinungaling si Cynthia, hindi niya ipinaalam kay Victor na narinig niya na sinabi ni Brian na nagkabalikan na sina Melanie at Noel. Sinabi nito na masama ang pakiramdam niya.

Nakita ni Moody na umiiyak si Ceding. Ipinakita ni Ceding ang mga pictures niya at ni Noel noong bata pa ito. Buti pa si Moody na-gets kung ano ang ipinagsisintimiento nito. Inamin na ni Ceding kay Moody na siya ang tunay na Ina ni Noel at anak niya ito sa Daddy ni Ariston. (Secretary siya nito dati. Kinuha sa kanya si Noel, kaya wala siyang choice. Nakiusap na lang siyang mamasukang katulong para hindi siya mahiwalay dito).

Bakit si Noel, hindi niya sinundan si Ceding sa kwarto? Or kahit si Melanie man lang?

“Hon” na ang tawag ni Noel kay Melanie? Ha? Kailan ba naging sila ulit?😯

Anyway, nagpa-interview sila sa Metro Magazine about their love story. Noong una ayaw pumayag ni Melanie, pero nakumbinsi din siya. (Magkaibigan ang mommy nung reporter at si Elaine).

Uy, mahaba na ang buhok ni Vanessa. (Ha? Gaano na ba ako katagal nakaupo dito?) Nakita niya si Miguel sa isang restaurant, nag-usap sila. Naks, alam pa ni Miguel ang exactly kung gaano na si katagal hindi nagkikita ni Vanessa. Uyy…balikan na to.

Nakita ni Cynthia ang interview nina Noel at Melanie sa magazine. Galit na galit na pinagpupunit niya ito.

Kinausap ni Victor si Brian dahil she’s showing signs of depression again. Hinala ni Victor, iyong article about sa wedding ni Noel at Melanie. Biglang lumitaw si Cynthia at sinabi niya na hindi raw totoo iyon, masaya daw ito para kay Noel.

Narinig ni Ronald na pinag-uusapan nina Elaine, Vanessa, at Anton ang magazine article. Sinabi ni Vanessa na nananahimik na raw si Melanie. Sabi naman ni Ronald na guguluhin daw niya ito.

Nasa isang lighting store si Melanie (Lol, IKHEA? Seriously?), paglingon niya nakita niya si Ronald pinagmamasdan siya. Umalis si Melanie pero sinundan siya ni Ronald. Sinisisi ni Ronald si Melanie sa paghihirap nila. Tinanong ni Melanie kung ano ang kailangan niya, kailangan daw niya ng tulong nito. Binigyan siya ng tseke ni Melanie (I wonder how much), huli na raw ito.

Pag-uwi ni Ronald, lasing ito. Pinagalitan siya ni Elaine. Binigyan siya ng P200,000 in cash, bumili daw siya ng kahit anong gusto niya. Tinanong ni Elaine kung saan galing ang pera, huwag dahw siyang mag-alala, hindi daw sa illegal nanggaling iyon. Galing daw sa nagkakautang sa kanya…

Sinundo ni Miguel si Vanessa, pero biglang dumating si Anton, para sunduin siya (Sila Anton at Vanessa na pala ulit). Kaya umalis na lang si Miguel. Awww…

Samantalang hindi makatulog si Ceding. (You’d think they’re going to let her sleep in a bigger room, ano? Share pa sila ng bunk bed ni Moody). Naisip niya ang mga sinabi ni Noel. Kinabukasan, nagpasiya ito na umalis na lang.

Geez, sabihin na kasi ang totoo.πŸ™„

Nagkita sina Melanie at Ate Vi (sorry ha, akala ko kasi ai Ate Vi…hehehe) Cynthia sa grocery store…

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 62”

  1. nawawala Says:

    oo nga eh! IKHEA!!! hahahah!! pinoy style talaga! diba ganun sa atin? laging dinadagdagan ng H? hahaha!!

    tsaka… yun nga rin pinagtataka ko eh, bakit ang laki ng bahay tapos sa maliit na kwarto natutulog sila ceding? eh sila yung lumipat ng bahay at sumunod lang dun si noel at melanie!
    manhid si noel. di pa nya nagets… hehe

    at nakakatawa pa, YUN na ba yung “plano” ni ronald? heheh…

  2. ptvj Says:

    bwahaha akala ko something sinister ang plano ni ronald, nagpapaawa lang pala.πŸ˜†

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: