Walang Kapalit, Episode 61

by

Nakipagkita na si Noel sa abogado para itanong ang ibig sabihin ng nilalaman ng sulat ni Ariston, pero hindi naman daw legal document ito, kaya wala siya maitutulong. It’s more of a personal letter.

Pumunta si Noel sa bahay nina Brian. Sinabi ni Noel na i-re-revive niya kumpanya ni Ariston. Sayang daw sabi ni Brian, kung sanang nandoon si Melanie dahil perfect tandem sila for business.

Nagbunggo ng taxing sinasakyan ni Melanie ang sasakyan ni Noel…

*Screams*

Ayan nagkita na sila ulit. Nagtinginan sila…nagyakap. *Screams*

Sinorpresa ni Victor si Cynthia, akala niya kukuha lang sila ng marriage licence, pagdating ni Cynthia nandoon si Brian. Ikinasal na sila in civil wedding. (So, fortunate incidence lang iyon naka-all white siya?)
Nagkita sina Ceding, Moody, Noel, at Melanie sa restaurant. May nakakita sa kanila na babae at tinawagan niya si Ronald para ibalitang bumalik na si Melanie. (Lol, it’s funny how she said “Guess, who’s back in town”…sorry, alam ko masama ako. Bwahaha. )

Nag-honeymoon na sila Hugo Victor at Cynthia. Itinanong nito kay Cynthia kung naiisip pa rin niya si Noel, sinabi nito na wala siyang nararamdaman dito. (Naman! Is this his idea of dirty talk?)

Nalaman ni Brian mula kay Miguel na pati si Melanie nasa Pilipinas na rin.

May kailangang bayaran na P3.2 M si Arnold kung hindi sila makakahanap ng pambayad kailangan nilang ibenta ang bahay nila. Narinig ito ni Ronald at sinabing ibabalik lahat nito ang perang nawala sa kanila, may inerest pa. (Ano na naman kaya ang plano ng demonyitong ito?)

Nag-sama na ulit sa business sina Melanie at Noel. (Ha? Magkasama sila sa bahay ulit).

Palaisipan pa rin ang sulat na ipinadala ni Ariston kay Noel. Dapat daw tanungin ni Noel si Ceding dahil matagal na siya sa pamilya nila siguro naman daw may idea siya. Itinanong nga niya dito kung may alam ba raw siya tungkol sa pagkatao niya, nabitawan ni Ceding ang mga dala-dala niya. Itinanggi niyang may alam siya. Hindi pa rin sumuko sina Melanie at Noel, sinundan pati sa laundry room para tanungin.

Narinig ni Cynthia na sinabi ni Brian kay Victor na dumating na si Noel at nagkabalikan sila ni Melanie.

Paano raw kung siya ang totoo niyang ina at kinailangan lang na ipamigay ito noong bata pa siya. Sabi ni Noel, kung ganun daw ang mga pangyayari, magagalit siya dito.

Naman, insensitive ka Noel! Naiiyak na nga si Ceding, hindi mo pa rin masense na totoo ang sinasabi niya…

Isang Tugon to “Walang Kapalit, Episode 61”

  1. lilly Says:

    i love this part

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: