Natutulog Ba ang Diyos? Episode 1

by

Sa unang eksena ipinakita ang pagpapa-ultrasound ni Rose (Dina Bonnevie) at nalaman nilang mag-asawa na babae ang magiging anak nila. Inggit na inggit naman si Patria (Rossana Roces) dahil mayaman sina Rose, at kayang kaya nilang bigyan ng magandang kinabukasan ang magiging anak nila hindi kagaya niya na katulong lamang na may asawang driver. Kinailangang umalis ni Mike (Matt Ranillo) papuntang Maynila at naiwan sa probinsiya si Rose kasama sina Patria at Bernardo (Ronnie Lazaro).

Sumakit na ang tiyan ni Rose, nakapanganak ito sa van na minamaheno ni Bernardo. Halos kasabay na nanganak nito si Patria. Pagdating sa ospital, nalaman ni Bernardo na may respiratory disorder ang anak nila, kung kaya’t sinabi niya sa mga amo nila na ito ang anak nila at inako nila ang anak na babae ng amo nila. Sinabi nito kay Patria na kailangan ng medical attention ng bata at maibibigay ito ng mga amo nila dahil mayaman sila. At makikita pa rin naman nila itong lumalaki dahil nakatira naman sila sa mga amo nila.

(Sus, napakalousy naman ng ospital na pinuntahan nila, pagdating ba nila sa ospital hindi sinabi sa kanila which is which? Kung sanang sa van pa niya pinagpalit hindi pa mukhang suspicious).

Ipinangalanang Andrew nina Rose at Mike, at dahil wala pang naisipi na ipapangalan sina Bernardo at Patria, iminungkahi na ni Rose na Gillian na lang ang ipangalan nila, dahil iyon sana ang gagamitin nila kung babae ang naging anak nila.

Malayo ang loob ni Patria kay Gillian, malapit na malapit naman ang loob ni Rose dito. At the same time, malapit naman ang loob ni Patria kay Andrew. Dahil napapansin ni Rose na kumportable si Andrew kay Patria, pumayag ito na magiging yaya ng bata.

Sabay na bininyagan sina Gillian at Andrew pati mga birthdays nila pinagsasabay na rin.

Lumaking brat si Andrew. Samantalang si Gillian, pinagmamalupitan ni Patria.

Nakikita ni Rose na napapabayaan na ni Patria si Gillian kaya nagpasiya si Rose na kumuha ng ibang yaya para kay Andrew. Kaya galit na galit na naman si Patria kay Gillian at inilublob ito sa isang drum ng tubig.

Nakita ni Rose na umiiyak si Gillian at kinantahan siya nito…

2 Tugon to “Natutulog Ba ang Diyos? Episode 1”

  1. nawawala Says:

    lousy nga yung ospital eh no! di muna inalam kung kanino yung baby. eh pano kung parehong babae o parehong lalake? eh di hindi nila alam yung which is which? tsaka naalis na rin siguro yung placenta kahit hindi inilabas bago mawalan ng malay ang 2 nanay? ah ewan. hehe.

    tsaka ang bilis nila mag-labor ah! labas agad yung baby! heheheh.. (shempre pelikula lang naman eh. bwehehe)

  2. nawawala Says:

    PS: gustong-gusto ko yung kabaitan ni Dina dito. parang totoong tao talaga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: