Ysabella, Episode 15

by

Nakikita ni Mito na naglulungkot si Ysay, kaya ipinamitas niya to ng bulaklak. Siya namang pagdating ni kapitan para ibalitang pwede na silang umuwi.

Iniiwasan naman ni Jordan si Lima dahil ayaw nitong madamay ang Kuya Mito niya, at ayaw na rin niyang mapagalitan pa si Lima ng mommy niya. Kaya nalulungkot naman si Lima, habang nasa klase ito naiiyak siya.

Binigyan ng mga gulay ng asawa ni Kapitan sina Ysay.Palagay na talaga ang loob nina Ysay at Mito, nagbibiruan na sila talaga. *Insert niyo dito iyong nagbibiruan tapos nagkatinginan scence na laging makikita sa mga sineserye.* Bago pa sila mag-eye to eye ng tuluyan, binusinahan na sila ni Kapitan.

Sa biyahe, napag-usapan nila ang tungkol sa mga pamilya nila. Hinawakan ni Mito ang kamay ni Ysay, ahay, pati si kapitan napatingin.

Nagmamadaling pinalitan ng batterya ni Ysay ang cellphone niya noong nakarating na sila sa location para tawagan si Alex para sabihing pauwi na siya. Nashock naman si Ysay sa sobrang concern ni Georgia kay Mito.

Nakatanggap ng tawag si Lima, nag-aagaw buhay na daw ang Lolo niya (while Jordan was looking at her). Pagdating ni Lima, dumating naman ang abogado ng lolo niya dahil daw may mga changes na gusto itong gawin sa kanyang last will.

Habang nakasakay sa eroplano, napansin ni Mito na natetense si Ysay. Pinuntahan niya ito para pakalmahin, selos naman si Georgia diyan. Pero sabi niya buti naman magkasundo na sila.

Tuwang tuwang sinalubong nina Alex at Andrew si Ysay sa airport. Hinalikan siya sa pisngi at hinawakan ni Mito ang kamay ni Ysay bago sila nagkahiwalay habang nakamasid sina Georgia at Andrew.

*Ayan na naman ang tingin na nakakalusaw ni Mito*

Tinanong ni Georgia kung anong nangyari kung bakit magkasundo na sila Mito at Ysay. Ganun daw talaga pag nagkakilala ang dalawang tao, at si Ysay din kasi ang nag-alaga noong nagkasakit siya doon.

Dali daling pinuntahan ni Ysay ang Tiyo Perry niya. Tinutukso ni Alex si Ysay tungkol kay Mito. Nagseselos talaga si Andrew.

Nakatanggap ng tawag si Andrew mula kay Lima para sabihing namatay na ang Lolo nila. Sinabi niya na kamamatay pa lang nito, mana na ang pinag-uusapan ng pamilya nila.

Nagpulong sina Sofia, Victoria, at ang mga lawyers tungkol sa iniwang will ng matanda tungkol sa Florencia’s. Ibinigay lahat ng shares kay Sofia. Nashock naman si Victoria diyan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: