Ysabella, Episode 14

by

Wala silang choice kung hindi mag-stay muna sa bahay nina kapitan habang sinusubukan nilang ayusing ang sasakyan. Nagpasorry si Mito kay Ysay.

Nagpapalit ng damit si Mito, hindi niya alam sinisilip siya ni Ysay.😆

Samantalang natataranta na ang mga staff ng show dahil wala pa sina Mito at Ysay, mas nag-aalala si Georgia. Nagkasakit naman si Mito. Sabi ng asawa ni kapitan baka hindi niya makayanang umuwi muna, pero sabi ni Mito kaya nya ito. Dumating naman si kapitan at sinabi niyang nagkaroon ng landslide kaya hindi pa rin sila makaaalis, kahit na maglakad pa sila.

Pinuntahan naman ni Victoria ang biyenan niyang lalake na nakaratay na sa higaan, may pinapapirma ito. Pumasok si Sofia at kinuha ang mga papeles na pinapapirma ni Victoria. Ang gusto niyang mangyari ayon kay Sofia, gawing available ang stocks ng Florencia’s sa public para daw mabili niya ang majority nito secretly, dahil ayaw nilang ibenta ito sa kanya. Hindi raw totoo ito, para lang daw magkaroon ng mas maraming capital for expansion. Ayaw maniwala ni Sofia. Ang sabi naman ng biyenan niya, iwan na lang muna sa kanya ang mga papeles at pag-iisipan pa niya.

Nakatawag na si Mito kay Georgia. Nagpapadala ng helicopter si Mito para makauwi si Ysay, pero walang available na helicopter. Nasense ni Georgia na parang nag-iiba na ang tingin ni Mito kay Ysay.

Nagpunta sa network sina Alex at Andrew, ibinalita ng isa sa mga staff doon ang nangyari. Ibinigay kay Alex ang cellphone ni Mito (dahil low-batt na ang kay Ysay at walang kuryente sa kinaroroonan nila) para makatawag sila. Tumawag sila pero dahil siguro hindi maganda ang reception kaya hindi rin sila nagkausap.

Tuloy pa rin ang birthday celebration ni Perry sa ospital kahit wala si Ysay.

Sinabi ni Ysay kay Mito na kapag birthday ni Perry, apat na beses silang nagboblow ng kandila, para lahat daw sila nakakapagwish. Umalis si Mito at may dalang kandila ito noong bumalik, kumanta sila ng Happy Birthday.

Nagkadikit ang mga kamay ng hindi sinasadya …nabigla …natulala …nagtinginan… Awwww…

Nag-volunteer na magluto sina Mito at Ysay habang nasa bahay nina kapitan. *Insert niyo dito ang commercial ng Magic Sarap video ng pagluluto nila* Sarap ng sarap ang mga hosts nila.

Sinabi niya na lumaki kasi siya sa kusina. Turn naman ni Mito na magkwento ng buhay niya, na lumaki siya sa opisina ng daddy niyang lawyer.

Naghabulan sa bukid…namangka sa ilog…nanghuli ng bibi (o manok?…sorry hindi ko suot salamin ko)…namitas ng mga gulay at bulaklak ng kalabasa…nagluto ng iba’t ibang putahe...pinagmamasdan ang muscular body ni hottie Mito.

4 Tugon to “Ysabella, Episode 14”

  1. nawawala Says:

    Sobrang kinilig ako sa mga tingin ni Mito!! at type/crush ko kasi sya eh! hehehe.. lalakeng-lalake ang dating. bweheheh…
    teka, ba’t andaming damit ni ysay doon eh parang hindi naman kasya yugn suot nya dun sa ale. hehe.

  2. ptvj Says:

    oo nga, parang ako ang tinititigan niya. hehe. mas kinikilig pa ako sa kanila. wa epek pag sila ni ryan😀

    dapat naka-daster si ysay hehehe

  3. nawawala Says:

    oo nga wa epek yung sa kanila ni ryan. siguro kung ako si ryan eh nagselos na ‘ko dahil ang mga titig ni derek eh “MAPANUKSO”… bwehehhehe!!!

    shet, ang swerte naman ni angelica panganiban!!! =)

    i’ll do everything with derek with my eyes open para lang makita ang mga tingin nya.. har har!!
    uhm.. ooops, ang ibig kong sabihin eh…… ah… eh….. wala! =D

  4. ptvj Says:

    hihi, hindi ko rin maiwasang hindi kiligin diyan kay derek, feeling ko ako ang tinitignan niya. ang swerete nga ni angelica, angelica bata ka pa, akin na lang si derek😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: