Walang Kapalit, Episode 59

by

Nagkape sina Noel at Melanie habang hinihintay ang kanya kanya nilang mga flights. Lagi silang nagsasabay magsalit, so sabi ni Noel, ladies first. At kailan pa raw ba niya tinrato si Melanie bilang isang babae, mula pagkabata hindi siya tinreat as Barbie. (Duh! Noong naghalikan kayo dati…LOL). Nag-usap na rin sila ng masinsinan.

Bago sila nagkahiwalay ibinigay ni Melanie ang figurine na kagaya nung hawig doon sa nabasag niya noong bata pa sila*. Matagal na raw niyang gustong ibigay sa kanya ito…(teka…hindi naman niya alam na magkikita sila).

Paalis na sila…bumaliks ulit at nagyakapan sila habang umiiyak. *Flashbacks ng buong istorya* Hwwwwwwwaaaa!

Isang taon na nag nakakalipas, malungkot pa rin sa States na si Melanie. (Ha?! Ang bilis ha, how have I been sitting here?). Kahit may lalaking kasama niyang lumalabas labas for 8 months now, si Aidan(?). Natatakot pa rin siyang magcommitt dahil sa mga desisyon niya noong nakaraan.

Binisita ni Brian si Cynthia, mukhang masaya na siya. Inaanak pa niya ang anak nina Brian at Dianne. Ayaw na daw niyang lumabas, kasi hindi na niya alam kung sanay pa siya sa gulo ng outside world.

Habang naglilipat sina Ceding at Moody (ipinabenta ni Noel ang bahay at hati sila ni Melanie sa kinita), nakakita si Ceding ng mga lumang sulat na nakapangalan kay Noel galing kay Ariston. Tinawagan niya si Noel (na at this time ay wala pa ring girlfriend or wife, dahil pilit man niyang makipagdate sa iba, walang nagtatagal) para sabihin ito sa kanya.

Naghanda si Victor ng dinner para kay Cynthia. Birthday din ni Victor. Uminom daw siya muna ng gamot, pagbukas ng lalagyan ni Cynthia, may singsing. Clueless pa siya at isinosoli kay Victor ang singsing, akala niya nalagay lang dun. “Will you be my girlfriend?” sabi ni Doc. (Ngek! Pasyente mo yan, hijo!). “I’m sorry,” sabi ni Cynthia at biglang umalis ito.

Magmove on na raw si Melanie, sabi noong babaeng kulit ng kulit sa kanya na tanggapin ang proposal ni Aidan. Humingi daw ito ng sign, kung magpopropose ulit si Aidan, sign na raw iyon. If I know sinabi lang nung babae kay Aidan na magpropose ulit. Teka…what do they mean by proposal? Marriage proposal or proposal to be his girlfriend? Hmnn…

Tinawagan ni Noel si Ceding noong nataggap niya ang sulat. Uuwi na raw siya sa Pilipinas…

*Thanks for the correction, Nawawala.

4 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 59”

  1. nawawala Says:

    iba yung swan na binigay ni melanie kay noel ah… iba dun sa nakita nya sa store, diba! tsaka tatangahin na naman kaya si melanie at o-oo magpakasal dun sa lalake? hmm…

  2. ptvj Says:

    ayan itinama ko na, salamat! dun sa prewiew for tomorrow, parang gusto na ring umuwi ni melanie sa pilipinas

    grabe ang mga pangyayari doon sa napanood kong preview noong pinapanood ko sa internetšŸ˜ˆ . di ba mas marami silang binibigay na previews sa abs-cbn, kaysa sa tfc?

  3. nawawala Says:

    dapat lang na umuwi na lang si melanie. pareho sila ni noel na nagtitiisan!

    di ko pa nakita yung mga previews na sinabi mo…

    tsaka wala namang dapat na corrections sa blog mo eh. sa tv yung mali. kase iba yung binili ni melanie na swan sa store kesa sa binigay nya kay noel. hehehe.. parang yung kumot nung nasunugan sila. iba yung gamit na kumot sa kwarto at iba rin nung nasa baba na sila… bwehehe..

    ano ba yan, lahat na lang napapansin! =D

  4. ptvj Says:

    hindi ko napansin iyong kumot, masyado kasing short ang attention span ko kaya minsan habang nanonood ako it’s either nagbablog na ako, kumakain, or naghuhugas ng platošŸ˜€

    click mo DITO for the preview (just in case ayaw mo ng spoilers).

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: