May Minamahal, Episode 29

by

Umalis na si Carlitos dala ang mga bulaklak na dala niya. (Sus, lumang istorya na iyan…)

Nakita ni Mandy ang ex-boyfriend nito may kasamang boyfriend. Pero bati na sila tanggap na ni Mandy ang nangyari, binentahan pa nga niya si Mandy ng ticket para sa Bikini Open.

Alam na ni Bombit na siya ang anak ni Darlene. Nafigure out niya kasi hindi naman ipapakasal si Monica kay Carlitos kung magkapatid sila sa ama, imposible naman si Jun dahil nakita niyang nagbuntis ang Nanay niya dito. Galit na galit siya kay Darlene, sana ipinalaglag na lang daw siya nito para hindi nagkagulo ng ganito. Nag-walk out si Bombit, hinabol siya ni Darlene. Kahit anong explanation ni Darlene, galit pa rin si Bombit, umalis ito, naglakad-lakad habang na-rereminisce…

Inidadaing ni Carlitos kay Leo na palagay niya may gusto talaga kay Monica ang boss nito. Mag-usap daw silang mag-asawa, mas mabuti pa.

Aalis na lang daw muna si Darlene, babalik na lang daw ito pag natanggap na siya ni Bombit. Saktong dumating si Bombit noong nagpapaalam si Darlene kay Cenon…nagbati na rin sila. Niyakap ni Bombit si Cenon at nagpasalamat sa lahat-lahat, tatay pa rin niya daw ito.

Nalaman ni Monica na buntis siya, pagdating ni Carlitos sasabihin na sana niya, kaso wala sa mood si Carlitos, so hindi na niya sinabi. Kinaumagahan, tinawagan ni Monica ang tatay niya, eksakto narinig lang ni Carlitos, iyong “I love you.” Sabi niya kay Monica, baka si Vaughn daw iyong kausap niya. Sa sobrang inis ni Monica, hindi niya dineny ang accusations ni Carlitos.

Sa gitna ng argument nila, nasuka si Monica sa t-shirt ni Carlitos. Ang tangang Carlitos naman, akala niya hang-over naman iyon.

Isinama ni Darlene si Bombit para bumili ng damit na isusuot niya pag ipinakilala siya nito sa pamilya ni Becky bilang anak nila ni Ronald.

Pinuntahan ni Vaughn si Carlitos para sabihing buntis si Monica para magkaayos na sila. Tuwang-tuwa namang nagtatalon si Carlitos.

Pag-uwi ni Monica, may sorpresang bumungad sa labas ng bahay nila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: