Walang Kapalit, Episode 58

by

Tumestigo na nag videographer laban kay Ronald.

Tiyak daw na iga-grant ang annulment sabi ng lawyer ni Melanie. Sana raw sa susunod na mag-asawa ito sa lalaking tinitibok na ng puso niya.

Nadatnan ng doktor ni Cynthia na nagbibigti. (Naku ha, wala ba silang suicide watch? Eng-eng sila may bipolar iyong tao, may propensity for suicide. Tapos natataw pa ako kasi walang taong nagbabantay, pero pag dumating naman sila isang isang army…). Nailigtas si Cynthia.

Sa “despedida” ni Noel, hindi maiwasan ni Ceding na hindi magdrama. Sinabi ni Moody na ngayong annulled na si Melanie pwede na siyang pakasalan nito, pero sabi niya mahirap daw itama ang naumpisahan ng mali. (Kunwari pa si Melanie na ayaw niyang malaman ang sagot ni Noel)…

Nakatanggap ng tawag si Melani sa abogado niya, annulled na ang kasal niya. Tuwang-tuwa sina Ceding at Moody, pero si Melanie hindi niya maiwasang maluha dahil hindi daw niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Tinawagan ni Moody si Noel para ibalita ito.

Humingi ng tawad si Miguel kay Vanessa. Pagod na daw si Vanessa, ayaw na niya.

Nagdesisyon si Melanie na pumunta na lang sa Amerika. Lalong nalungkot si Ceding, pati Moody naiyak na. Magtatrabaho daw siya sa isang flowershop para maiba ang environment niya. Mali daw ang ginagawa niya, sabi ni Ceding, kailangan daw harapin ang mga problema niya. Sinubukan na raw niya dati iyon pero lalo lang nagkakagulo-gulo. Aalis daw muna siya para hanapin ang sarili niya.

Nasa isang store si Melanie noong may nakita siyang figurine (na collection pa ng Mommy ni Noel) na kamukha ng nabasag niya dati noong bata pa sila ni Noel. Awww…

Si Noel, nagrereminisce din…

Nagpunta sina Ceding at Moody sa puntod nina Ariston at Agnes. Sila na lang daw dalawa ang gumabay kina Melanie at Noel.

Nagkita sa airport sina Noel at Melanie…

Kinikilig ako😆

Comments: Oh, my God!!!!!!!!!!! Did you guys see the sneak peeks?

Bakit hindi na lang daw siya sumama kay Noel, sabi ni Moody😈 …

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 58”

  1. nawawala Says:

    ano na kayang mangyayare kay ceding at moody? sino na ang magpapasweldo sa kanila? hehehehe…

  2. ptvj Says:

    siguro sina noel at melanie pa rin kasi sila naman iyong tatao sa bahay. heheh parang totoong tao na kilala ko talaga e😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: