May Minamahal, Episode 28

by

Nag-iiwasan sina Monica at Carlitos dahil galit pa si Monica sa kanya, at hindi pa siguradong hindi sila magkapatid kaya pinatulog niya ito sa sahig.

Nasa ospital pa rin si Becky.*Insert ang makabagbag damdaming speech ni Trina*

Na-confirm na ni Monica na hindi siya ang anak ni Darlene.

Sinamahan nina Monica at Carlitos si Darlene kay Becky. Ibibigay na ni Darlene ang lahat ng perang meron siya, $368,000 ang total, huwag lang daw niyang kukunin ang bahay sa Cebu. Kapag nakaluwag daw siya huhulugan niya ang share ni Ronald sa bahay. Humingi ito ng tawad kay Becky sa lahat ng pagkakamali niya. Pinatawad din niya ito…”Let’s move on” daw.

Habang naghihintay sa labas sina Monica, nagkasagutan sila ni Trina.

Galit pa rin si Bombit kay Darlene, kaya ayaw makipag-ayos nito sa kanya kahit utos pa ng tatay niya.

*Insert niyo na rin ang drama ni Pinky dito*

Nabigla si Gloria dahil hindi niya inaasahan na nandoon si Darlene sa bahay ni Becky. Gustong makita ni Becky ang anak nina Ronald at Darlene. Aayusin lang daw muna ni Darlene at ipapakilala niya ito sa kanya.

Nakita ni Bombit ang picture ni Darlene noong buntis pa siya. Kulang daw ang pera nilang pambayad ng bills, pero wala si Monica, si Carlitos na ang nagbigay. Babayaran na lang daw ni Monica sabi ni Bombit. Nag-confirm naman si Bombit kay Cenon kung totoong may anak ang “Tita Darlene” niya. Siya na lang daw ang tanungin niya…

Hindi ni alam kung paano sabihin kay Bombit ang totoo. Sabi ni Monica mag-dinner na lang daw sila sa apartment nila. (Hindi na sila nadala sa mga dinner revelations nila…)

Papunta si Carlitos sa trabaho ni Monica ng mapuwing ito at inaalis ni Vaughn (tama ba name niya? yung boss ni Monica)…

3 Tugon to “May Minamahal, Episode 28”

  1. nawawala Says:

    parang awkward yung pag-arte ng bunsong kapatid ni carlitos. (si pinky ba yun? naguguluhan ako sa mga pangalan eh. hehe…) ewan ko kung baket. di ko ma-pinpoint basta parang nailang lang ako dun sa scene sa hosp. yung nakangiti sya at andaming sinabe.. parang naweirdo-han ako. ba’t kaya???

  2. ptvj Says:

    oo nga, gets kita parang ang weird nga nung eksenang yun…

  3. Cci Says:

    korek ka dyan…

    d b sya napagod sa kakalakad..

    ang corny…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: