Walang Kapalit, Episode 56

by

Noong nakita ni Cynthia na nag-uumpisa ng masunog ang bahay, tumakbo na ito pero nagtago lang siya sa side para tawagan si Brian at nagpapatulong ito.

Nakulong sa kwarto sina Melanie at Vanessa, tinawagan niya si Noel. Nag-space warp si Noel at nakarating agad ito para tulungan sina Melanie.

Nasa labas sina Arnold at Elaine at natataranta sila dahil hindi nila alam ang nangyayari sa loob. (Palagay ko malas si Anton, kita mo nasunog ang bahay nila tumira sila dun, ngayon eto namang bahay nina Vanessa ang nasusunog). Na-i-rescue ni Noel sina Melanie at Vanessa…

Dumating si Ronald at nakitang magkasama sina Melanie at Noel.

Maraming nasunog sa bahay nina Ronald. Nagalit si Arnold kay Ronald, dahil nagrereklamo ito, saan daw siya matutulog.

Pagkatapos ng traumatic event of almost being burned alive and smoke inhalation, naglakad-lakad pa sina Melanie at Noel sa tabing dagat. Nagpasalamat ito sa pagliligtas nito sa buhay niya.

Naaresto at nakulong si Cynthia. Ano kayang ebidensiya nila?

Pinagalitan ni Miguel si Anton dahil late ito. Nang sinabing nitong nasunugan si Vanessa, nagalit pa siya dito at sinabing feeling hero na daw siya ngayon. Nagalit na si Anton. Sinuspinde ni Miguel si Anton. Umalis si Anton at sinabing “…hindi na kailangan…”

Unresponsive naman si Cynthia noong dinalaw ni Brian, tinawagan ni Brian si Noel para pakiusapang dalawin si Cynthia, pero wala ring nangyari. Naiyak naman si Noel.

Naiiyak naman si Brian dahil sa nangyayari kay Cynthia. Gusto man daw niyang sisihin si Noel sa lahat ng nangyayari, hindi niya magawa.

Pinuntahan ni Noel si Arnold para pakiusapan ito na iurong ang demanda laban kay Cynthia. Isinumbat ni Arnold ang hindi pagpayag ni Noel na bumalik ito sa kumpanya. Iurong daw ang demanda or else, i-tatarnish daw ni Noel ang pangalan ni Arnold.

Sinabi ng lawyer ni Melanie na hindi admissible sa korte ang sex tape dahil hindi maa-identify si Ronald from that video (wala kasing CSI sa Pilipinas!). Hanapin daw nila ang kumuha ng video.

Pinuntahan ni Noel si Melanie. Sinabi niya na nawawala na sa katinuan si Cynthia. Nagi-guilty daw ito sa ginawa niya…

Comment:

Probable Cause. Arraignment. Bail. Mental Illness. Hard Evidence. Hay naku!!! Demented talaga kapag legal system na ang eksena sa mga soap opera…🙄

At bakit walang lawyer si Cynthia?

3 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 56”

  1. Raymond Lee Quijano Says:

    wlang lawyer? grabe naman mga palabas. lolz

  2. nawawala Says:

    ano bang problema ni miguel at BIGLA na lang syang naging masama at walang pake sa gf nya?? at sila pa rin ba ni vanessa. labo.

  3. ptvj Says:

    Raymond Lee Quijano: wala, tapos hindi naman ipinakita kung paano nakalabas si cynthia…

    nawawala: oo bakit biglang lumaki ang ulo nun…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: