May Minamahal, Episode 26

by

Hinabol ni Pinky si Monica para ihingi ng paumanhin ang inasal ni Mandy sa kanya. Sinabi nito na hindi raw galit si Pinky kay Monica, sa kabila ng mga nangyari.

Nagtalo sina Carlitos at Monica tungkol dito. Sinabihan naman ni Becky si Mandy na hindi niya dapat ginawa iyon kay Monica.

Nag-usap sina Felix at Darlene. Sinabi ni Felix na baka huling bese na nilang mag-usap dahil pamilya na ni Felix ang sangkot dito. Itinanong ni Darlene kung sinabi ni Felix kay Gloria na may anak sila ni Ronald, hindi naman daw. Pilit itinatanong ni Felix kung nasaan na ang anak nila. Ipinaampon pala ito ni Darlene, pero kahit kay Felix ayaw na niyang sabihin kung nasaan para hindi na rin ito makapaginsungaling pa.

Nagpunta si Monica sa trabaho ni Carlitos, nadatnan niyang nakahilig sa balikat nito si Susan, ang isa sa mga co-workers ni Carlitos. Magpapaalam lang daw ito namay meeting siya kinagabihan.

Naghanda ng romantic dinner si Carlitos para kay Monica. Samantalang si Monica naman napasubo ng inom sa meeting nila. Pag-uwi niya nakita niyang nakahapag pa rin ang pagkaing inihanda ni Carlitos. Medyo na lasing na ito kaya nagalit si Carlitos sa kanya.

Gamit ang mga privilege tickets ni Trina sa trabaho, nagpasiyang magpunta si Becky sa Cebu. Humingi ng tawad si Felix kay Becky dahil sa pagtatago nito sa affair ni Ronald at Darlene. Ang kundisyon ni Becky, sasamahan siya ni Felix sa Cebu, na agad namang inayunan ni Gloria.

Kinaumagahan, naghanda ng almusal si Monica, pero hindi siya pinansin ni Carlitos.

Niyaya ni Mandy ang boyfriend niyang itanan na siya.

Nakapunta na sa bahay ni Darlene sin Felix, Pinky, Trina, at Becky. Kinausap niya ito para sabihing babawiin na niya ang lahat. Ayaw pumayag ni Darlene na mawala sa kanya ang bahay, kunin na daw lahat. Galit na galit na sinabihan siya ni Darlene na ang dahil daw kung bakit naghanap ng iba si Ronald, dahil masyado daw siyang uptight. Dapat daw marunong din siyang magalit, ayan nagalit tuloy sinampal nga siya. (Sa halip na malungkot ako, natawa pa ako sa eksenang ito).

Hinabol nina Trina at Pinky si Becky sa labas ng bahay ni Darlene. Nakita ni Trina ang picture ni Darlene noong buntis pa siya (na hindi pa natupok ng apoy…) …

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: