Walang Kapalit, Episode 55

by

Kinausap ni Ceding si Cynthia, well, it’s more of inaway niya ito. Pagbaba ni Melanie sa hagdan inaway naman siya ni Cynthia. Nag-check in si Melanie sa isang hotel para umiwas kay Cynthia.

Pinuntahan ni Noel si Brian para kumustahin si Cynthia. Wala raw balita ito sa kanya mula noong bumaba na ang desisyon ng divorce. Sa kabila ng lahat, nananatili pa rin ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Nagsumbong si Ceding kay Noel sa ginawa ni Cynthia.

Pinaparatangan ng abugado ni Ronald si Cynthia na sinadya nito ang pagkalaglag ng anak nila. Naghanap ng ebidensiya ang lawyer ni Ronald tungkol sa abuse na sinasabi ni Melanie.

Sabi ng lawyer ni Melanie kailangan daw na makakuhang kopya ng sex video si ito, para masira ang credibility ni Ronald. (So, it’s not enough na proven na siya ang naghire ng mga bombers at lasenggero siya as witnessed by the guests dun sa launching party?)

Pinuntahan ni Noel si Cynthia, nakikiusap ito sa kanya na umalis na siya sa bahay niya, para matahimik na silang lahat. Ayaw niyang tanggapin ang alok ni Noel na ihatid na ito sina Brian. Hindi pa rin ito pumayag, aalis lang daw siya doon kapag patay na siya. Umalis si Noel at isinara ang mga pinto kaya hindi makapasok si Cynthia.

Tinawagan ni Melanie si Vanessa para humingi ng tulong na mahanap ang video na kailangan niya.

Umuwi na si Cynthia kina Brian. Ipagagamot daw ni Brian si Cynthia. Kinakausap na niya ang sarili niya (…teka hindi naman nagsasab-sabi ang mga may bipolar, ah…) .

Magkasamang naghanap sina Melanie at Vanessa sa dating kwarto nila ni Ronald.

Kinausap ni Recy si Ronald at nakiusap ito na palayain na niya si Melanie. Siempre, ayaw pumayag ni Ronald. Tinawagan siya ni Cynthia at pinapalabas siya sa bahay niya or else madadamay daw ang buong pamily nito. Dali dali naman siyang umuwi…(hay naku Cynthia, sayang ang drama mo, sana siniguro mo munang nasa loob ng bahay iyong tao, no).

Sumugod si Cynthia sa bahay nina Ronald habang nasa loob si Melanie na naghahanap ng kopya ng sex video nina Ronald at Cynthia sa tulong ni Vanessa. Pinagbabato ni Cynthia ang bahay, natamaan niya ang bintana at natumba ang kandila sa loob ng isa sa mga kwarto. Nag-umpisang masunog ang bahay…

Comments:

Hay naku ha, ang galing naman yata ng aim ni Cynthia para mabato niya ang salamin, mabasag niya ito, with enough force para may matamaan pa siya sa loob.šŸ™„

Ang tanga talaga ni Ronald, andaming pweding pagtaguan sa ilalim ng mattress pa niya itatago ang cd? Ano siya, 7-year-old girl na nagtatago ng diary?

Kagaya ng observation ni Nawawala (see comment section on the last episode), bakit walang proof si Melanie? Given na hindi niya isinumbong na binugbog siya ni Ronald kaya nalalag ang anak niya, pero tanga naman ang mga nagbigay ng medical care sa kanya para paniwalaan na nahulog lang siya sa hagdan. E di dapat nag-imbestiga sila. At saka kahit hindi sila nag-investigate, hindi ba enough na evidence ang mga x-rays and the treatments na na natanggap niya? Geez.šŸ™„

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: