Walang Kapalit, Episode 54

by

Nagalit ang abugado ni Melanie sa kanya dahil hindi niya sinabi ang tungkol kay Noel. (Naman ha, kung ako iyon fired out na siya, LOL.) Sinabi ng abugado na dapat lahat ng bagay sabihin ni Melanie sa kanya.

Nagtalo si Ronald at Arnold sa pinaggagawa ni Ronald sa korte. Sinabi nito na lalong hindi babalik si Melanie sa kanya dahil sa paninira nito sa kanya.

Hindi na raw alam ni Noel ang gagawin niya sa buhay niya. Sabi naman ni Ceding, ipaglaban daw nila ang pagmamahalan nila ni Melanie. Hindi daw ganoon kadali iyon…gusto na raw niyang lumayo dahil lagi na lang may masamang nangyayari kapag nagku-krus ang landas nila ni Melanie.

Nagpsiya si Noel na umalis ng bahay dahil hindi maganda para kay Melanie na nakatira sila sa iisang bubong. Paalis na ito noong dumating naman si Melanie. Nagpaalam na ito dito.

Pinatira ni Brian sa bahay nila ng asawa(?) niya si Cynthia. Pero nagwala lang ito sinabing dapat daw kay Noel siya nakatira.

Bumalik si Cynthia sa bahay nina Noel at nakita ni Ceding na kinakausap niya ang sarili niya at kunwari andoon si Noel.

Na-grant na ang divorce nina Noel at Cynthia pero in-denial pa rin si Cynthia. Sinabi ni Ceding na mag-ingat daw si Melanie kay Cynthia.

Turn naman ni Melanie na tumestigo sa korte. Sinabi ni Melanie ang lahat lahat ng pagmamaltrato ni Ronald sa kanila. Lahat ng pambubugbog nito sa kanya, lalo na ang pananakit nito sa kanya noong buntis ito na ikinalaglag ng sanggol na dinadala niya.

Nag-de-delusional na si Cynthia. Niyakap niya ang lalaki sa grocery store dahil sa buong pag-aakala niya ay si Noel ito.

Nagising si Melanie at nakita niyang nasa loob na ng kwarto niya si Cynthia. Binalaan ni Cynthia si Melanie…

3 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 54”

  1. nawawala Says:

    sa episode ngayon, july 6, bakit wala raw ebidensya si melanie ng makunan sya? eh diba meron naman syang medical record???
    hay nako. puro korte na lang ata mapapanood naten. ang bagal. gusto ko na tong matapos… ehehhe!!

  2. nawawala Says:

    kawawa naman si cynthia sa mga susunod na episodes! =(

  3. ptvj Says:

    teka manonood muna ako, gumala kasi ako. LOL.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: