May Minamahal, Episode 25

by

Sinabi ni Darlene kay Becky na ilang beses siyang nakipaghiwalay ka Ronald pero ayaw daw nito. Pero noong bago ito namatay, nakipaghiwalay na siya. I knew it! May anak sila!

Does that mean he died of a broken heart? Hmnnn…

Itinanong ni Becky na kung may anak ba sila, sabi niya wala. (Ha? Doon sa usapan nila, sinabi niya “…para sa anak natin…”) Humingi ng tawad si Darlene kay Becky, pero tinalikuran lang siya nito.

May nakikipag-flirt na copywriter kay Carlitos sa trabaho niya. Iyong boss naman ni Monica, nagpapacute din sa kanya. Naihinga ni Monica ang bigat ng problema niya dito, kaya ayung knight in shining armour effect siya. Asus.

Malungkot pa rin si Becky, habang kausap niya si Carlitos, nalaman nito na hindi na nila makukuha lahat ng ibinigay ni Ronald kay Darlene. Pero nangako si Becky na lahat ng inagaw sa kanila ni Darlene, babawiin niya. Saktong papasok si Monica sa kwarto ni Becky para kumustahin ito ng marinig niyang pinag-usapan siya nina Becky at Carlitos. Tuwing nakikita daw ni Becky si Monica, naaalala niya si Darlene, ayaw daw muna siya nitong makita o makasama.

Sinabi ni Monica kay Carlitos na narinig niya lahat ng pinag-uusapan nilang magnanay. Nainis si Monica dahil siya na lang daw lagin ang nag-iintindi, pero sinabi ni Carlitos na siya dalawa ang iniintindi niya. Ayaw niyang masaktan ito, ayaw din niyang masaktan ang mommy niya, kaya kailangan daw niya ang tulong niya tungkol dito.

Nagpunta si Darlene sa bahay nina Cenon para magpaalam, lalayo na raw siya. Ayaw pa rin siyang kausapin ni Cenon.

Sinumbatan ni Becky si Felix, dahil siya ang pinsan nito pero pinagtakpan pa rin niya si Ronald. Naipit lang daw si Felix kaya hindi niya nasabi sa kanya. Ayaw daw muna niyang makita ito.

Narinig ni Becky sina Trina at Mandy na pinag-uusapan ang time deposit na nakapangalan kay Darlene galing sa daddy nila na nagkakahalaga ng P2M. Sinabi ni Becky sa kanila gusto niyang mabawi ang lahat ng mga ito kay Darlene, dahil sa kanila ito. Gusto daw niyang makausap ulit si Becky.

Nagkitakita sina Trina, Becky, Pinky, Mandy at Monica sa condo ni Darlene, pero wala na si Darlene doon dala lahat ng gamit niya. Nagtalo na naman sina Mandy at Monica.

Nag-eempake si Darlene (sa Cebu?). Tinignan niya ang photo album nila ni Ronald. At may mga baby pictures doon. (Nasaan ba ang bata?)…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: