May Minamahal, Episode 24

by

Nakauwi na sa bahay si Carlitos. Sina Cenon naman nakakita na ng pwesto para sa talyer niya at may matitirahan na rin sila. Sinabi ni Monica sa Tatay niya na may handaang pinaplano si Becky at imbitado silang lahat pati na si Darlene. Ayaw magpunta ng tatay niya kaya lang nahihiya lang siya kay Becky.

Galit na galit pa rin si Mandy sa natuklasan niya. Kaya umalis na lamang it noong dumating si Darlene para sa dinner party. Sinagi pa niya si Darlene noong papaalis ito.

Pinuntahan ni Trina si Darlene sa condo at sinabi nitong kailangan na niyang umalis doon. Lingid sa kaalaman niya, nandoon pala si Becky. Nagdahilan na lamang ito na may kaklase siya dati na gustong umupa sa condo nahandang magbayad ng doble, pero hindi pumayag si Becky.

Sinabi ni Darlene kay Cenon na sasabihin na nito kay Becky ang lahat lahat.

Lasing na umuwi si Mandy kaya hindi niya napigilang awayin si Darlene at sabihin sa mommy niya ang totoo, na alam na lahat nila at hindi sinasabi sa kanya.

Na-shock si Becky, kaya kalmadong kamado pa rin siya. Itinanong niya kay Darlene kung kelan pa, sabi ni Darlene, 23 years na raw. Inubos nito ang pagkain niya at tumayo ito sabay sabing “…the party is over…hayup kayong lahat.”

Noong pinasok lang siya ni Carlitos ito nag-breakdown.

Umalis na sina Cenon at ang mga kuya ni Monica. Kahit anong pakiusap ni Darlene ay ayaw pa rin siyang kausapin ni Cenon.

Kinabukasan nagpunta si Becky sa condo ni Darlene…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: