Walang Kapalit, Episode 52

by

Ayaw papigil ni Melanie, kaya sinampal siya ni Ronald. Akmang sasaktan pa siya nito, pero naglabas ng baril si Melanie at binalaan niya si Ronald. (Maganda na sana, kaso mukhang fake ang baril).

Pinuntahan ni Cynthia si Noel, na nauwi sa pag-aaway. Tamang-tama dumating si Melanie dala dala ang mga bagahe niya. Siempre nag-away sila…

Nag-iwan ng makabagbag damdaming sulat si Noel kay Melanie bago ito umalis papuntang Australia para ayusin ang divorce nila ni Cynthia.

Nakausap na ni Melanie ang abugado niya at sinabihan siya nito na hindi magiging madali ang annulment proceedings. Pero desidio pa rin si Melanie na ma-annul ang marriage nila ni Ronald.

Nadulas si Ceding noong natawag niyang “anak ko” si Noel. Pero wala namang nakapansin. Akmang sasabihin na ni Ceding ang kwento ng buhay niya, pero biglang dumating si Cynthia at inaway na naman sila.

By the way, nandoon pa rin si Cynthia sa bahay ni Noel. Ayaw niyang umalis.

Manager na si Miguel sa bar ni Brian. Nabigla na lang siya noong nalaman niyang nag-apply si Anton sa trabaho, at siya ang mag-te-train dito. Sinabi ni Vanessa na magkaibigan lang sila ni Anton at tinutulungan lang niya itong maging mabuti tao. Nagseselos pa rin si Miguel…

Sumugod si Ronald sa bahay ni Noel dahil gusto nitong makausap si Melanie. Nagtalo sina Cynthia at Ronal, at narinig lahat ni Melanie ang usapan nila. Sana ni-record ni Melanie ang awayan nila…bwahahaha!

Si Cynthia, delusional na…😈 . Napag-usapan nina Moody, Ceding, at Melanie ang tungkol dito. Sabi ni Melanie dapat daw kausapin si Brian at kinausap nga niya ito. Paggising ni Cynthia, ineempake na ni Brian ang mga damit nito. Akmang tatalon ito sa balkonahe, kung kaya’t walang nagawa si Brian kung hindi umalis na…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: