May Minamahal, Episode 22

by

Sinabi ni Darlene na pinagatalunan daw nila ni Trina kung saan ang birthday party ni Monica. Naniwala naman si Becky.

Nagising na si Carlitos sa laking tuwan nina Monica at Becky. Sinabi ni Monica kay Carlitos na umamin na si Darlene, itinanong naman ni Carlitos kung inamin na rin ni Darlene na kinuha niya ang mga properties ng daddy niya na kailangan nila dahil walang wala na sila.

Sinamahan ni Darlene si Becky sa pamimili ng mga kakailangin sa surprise birthday party ni Monica. Tuturuan pa raw niya itong magluto.

Kumunsulta sa abugado (hindi kay Felix) si Trina para malaman kung paano mabawi ang mga properties na nasa pag-aari ni Darlene ngayon.

Pinupuna ni Felix si Darlene sa paglapit pa rin nito kay Becky kahit na alam na nina Carlitos, Trina, at Monica ang lahat. Sasabihin na raw ni Darlene kay Becky ang lahat, humahanap lang daw ito ng tiyempo. Sige lang, go ahead…sabi pa naman ni Becky makakapatay daw siguro siya ng tao kung malaman niyang niloko siya ng asawa niya.

Nagkaroon ng salu-salo sa party ni Monica sa hospital room ni Carlitos. Nawawala si Darlene, kaya ipinasundo siya ni Cenon kay Bombit. Lingid sa kaalaman nila, nagpunta si Trina sa condo ni Darlene para papirmahan siya ng termination contract sa pagtira niya sa condo. Narinig ni Bombit ang buong usapan nila. Masamang-masama ang loob ni Bombit kay Darlene, pero nakikiusap pa rin ito sa kanya na huwag sasabihin sa tatay nito.

Nagtatalo sina Monica at Carlitos tungkol kay Darlene. Ayaw maniwala ni Monica na pera ang dahilan kung bakit nakisama si Darlene kay Ronald. Naghahanap ito ng ebidensiya, kaya binigay ni Carlitos ang mga nadiscover ng abugado ni Trina…

Isang Tugon to “May Minamahal, Episode 22”

  1. isagani x, m.a. Says:

    Ano ba itong show na ito. LOL

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: