Walang Kapalit, Episode 51

by

Patuloy pa ring naglalasing si Ronald. Galit na galit si Arnold sa ginawa ng anak niya.

Hindi mapakali si Ceding, balisang balisa ito pero hindi niya alam kung bakit. Wala pa silang alam sa nangyaring gulo sa party.

Sinugod ni Noel si Ronald at pinabubugbog ito. Yay!

May topak yata ang nanay nina Ronald at Vanessa, eto ang sabi niya: “Sinasabi ko na nga ba dapat hindi na ako nagpunta, hindi ko tuloy napanood ang ending ng Sana Maulit Muli.” Puro na lang sopa opera references ang mga sinasabi niya.

O teka, bakit naglalakad sa kalye si Cynthia habang nagrereminisce ng masasayang memories nila ni Noel? Wala ba siyang pang-taxi? Asan ang kuya niya?

Dumating si Noel sa bahay nila ng pasuray-suray. Dito nalaman ni Ceding na alam na ni Noel ang dahilan. Nalaman na rin ni Noel na matagal ng alam nina Ceding. Na-hurt tuloy si Papa Piolo. Awww…

Nagpa-iwan naman si Melanie sa party. Pinuntahan siya ni Recy pero gusto daw nito mapag-isa. Pinuntahan siya ni Arnold at once again, for the Nth time, humingi ng tawad si Arnold sa ginawa ni Ronald. Plano niya, mag-meeting sila nina Noel at Melanie para mapag-usapan kung ano ang gagawin nila para sa damaged control. Kung kinakailangang paalisin muna si Ronald, gagawin daw niya.

Ayaw pumayag ni Melanie, nakikusap si Melanie kay Arnold na ni makasalubong siya ayaw na niyang mangyari. Pinuputol na raw niya ang kahit anong ugnayan meron siya sa pamilya nito.

Dapat daw magtino na si Ronald sabi ni Elaine dahil daw ang mga kontrabida sa teleserye, pag sumosobra ang kasamaan, namamatay. Narinig ito ni Arnold at sinabing sana iyon na nga raw ang mangyari.

Pinuntahan nina Ceding at Moody si Melani sa hote na tinirhan nito. Nalaman ni Melanie na alam na ni Noel ang lahat.

Binisita ni Arnold si Noel sa bahay nito. Nalaman na ni Noel na nagresign si Melanie. Tinanong ni Arnold kung ano ang pwedeng gawin nito para bumalik lang sina Melanie at Noel sa negosyo niya. Ipakulong daw niya ito si Ronald (mukhang papayag nga ito…naku ha). Pero in the end wala ring nangyari hindi umubra ang convincing powers ni Arnold kay Noel.

Pinakiusapan ni Cynthia si Brian na kumbinsihin si Noel na hindi siya ang babae sa video. Hindi na pumayag si Brian this time dahil maraming beses na raw siya nitong pinagbigyan. Ayaw pa ring tantanan ni Cynthia si Brian, pero wala ring nangyari hindi na pumayag si Brian.

Nagkita sina Melanie at Noel sa puntod nina Agnes at Ariston. Humingi ng tawad si Melanie sa ginawa niyang pagtatago ng katotohanan sa kanya. Sinabi ni Melanie na magpa-file na siya ng annulment ng kasal nila ni Ronald. Sa bahay na lang daw siya tumira sabi ni Noel, dahil pupunta daw ito sa Australia para asikasuhin ang divorce nila ni Cynthia.

Bumalik si Melanie sa bahay nina Ronald para kunin ang mga gamit nito. Binobola pa siya ni Ronald, pero wa-epek kay Melanie…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: