May Minamahal, Episode 21

by

Naaksidente si Carlitos at inoperahan siya sa ospital. Maraming dugong nawala sa kanya at nasa ICU siya for observation. Si Becky naman nahilo, pati tuloy siya na-confine, pero bumangon din ito dahil gusto niyang puntahan si Carlitos pero ayaw siyang pabangunin ni Mandy.

Itinanong ni Monica kay Darlene kung totoo ngang kabit siya ng daddy ni Carlitos. Walang choice si Darlene kung hindi umamin. Nagalit sa kanya si Monica at sinisi niya ito sa nangyari sa kanila ni Carlitos.

Nag-break down naman si Becky habang kausap niya si Gloria dahil pagod na pagod na raw siya sa mga problemang dumarating sa pamilya niya. Nakalabas na si Becky sa ospital.

Muntik ng marinig ni Becky ang usapan nila Monica at Darlene noong nagpunta ito sa kwarto ni Carlitos. Nagpasalamat pa ito kay Darlene sa pagpunta niya sa ospital.

Nagkita sina Trina at Monica for the first time mula noong malaman nila ang ugnayan nina Darlene at Ronald. Noong nakita ni Trina na nandoon si Darlene, bigla na lang umalis si Trina.

Kinausap ni Becky si Monica at naghingian na sila ng tawad sa isa’t isa. Nagising si Carlitos, pero sumisigaw ito (as in in pain siya)…

Sabi ng doktor stable na ang kalagayan nito pero kailangan parin siyang obserbahan.

Nakita ni Trina si Darlene, pinuntahan niya ito ata kinumpronta niya ito. Bigla namang sumulpot si Becky.

Becky: “Trina, may problema ba?”

Trina: “Ako, Ma, wala, pero siya meron…”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: