Walang Kapalit, Episode 50

by

May grand launching ang project na natapos na nina Melanie at Noel. Ayaw pumunta ni Ronald dahil si Noel naman daw ang bida pero nagpunta rin siya sa utos ng daddy niya. Invited ang buong pamilya Santillan. Sinabi rin ni Noel kay Cynthia na kailangan rin niyang pumunta. By the way, may ibang babae si Ronald. Sinabi ng babae niya na malaking iskandalo siguro kung nagpunta siya kasama ni Ronald sa party, malaking kahihiyan kay Melanie. Nagka-idea tuloy si Ronald…

Nagkita sina Ronald at Cynthia. Sinungitan ni Cynthia si Ronald. Sabi ni Ronald huwag daw itong mag-alala dahil sasaya ang gabi nito maya-maya…

Gusto ng umuwi ni Cynthia, pero pinigilan siya nina Brian at Noel. Inom ng inom naman si Ronald at napaka-dishelved ng appearance nito. Pininipigilan siyang uminom nina Vanessa at Recy, sumali pa si Melanie kung kaya’t lalong nainis ito…

Binayaran ni Ronald ang mga audio-visual people para umalis sila sa tabi ng mga gamit nila. Sa kalagitnaan ng presentation, biglang lumitaw ang sex video nina Cynthia at Ronald. Laking gulat na lamang ng lahat…

Nagpunta si Arnold sa gitna ng stage at pinatigil si

Kawawa naman si Papa Piolo Noel napasuka tuloy siya sa sobrang upset niya. (Punta ka dito I will comfort you). Si Melanie naman hinampas ng walis tingting si Ronald na nakuha niya mula sa janitor. Sana yung mop na lang ang kinuha niya.

Sinabi ni Melanie na sa ginawa niyang ito, lalo lang niyang binuksan ang puso ni Melanie para palayasin niya ito.

Galit na galit din si Brian, naitulak niya si Cynthia. Deny to death si Cynthia about the video, computer manipulation lang daw iyon, habang nagwawala siya.

Pinauwi ni Arnold sina Elaine at Vanessa, ipinahatid sila kay Anton.

Sinamahan ni Brian si Cynthia para puntahan si Noel. Ah, big mistake. Sinampal ni Noel si Cynthia at sinakal pa ito, bulag na bulag ito sa galit kahit si Brian hindi siya mapigilan, at pilit pinapaamin kung sino ang lalaki niya…

Sinabi na ni Cynthia na si Ronald ito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: