May Minamahal, Episode 20

by

Lumipat na sa condo ni Darlene sina Cenon at ang mga anak nito lalaki.

Nalaman na ni Becky na hindi naman galit sa kanya si Carlitos, busy lang talaga ito sa trabaho. Gusto na rin daw ni Becky na makipag-ayos sa pamilya ni Monica. Sinabi ni Carlitos na bubukod sila ni Monica at hindi na sila babalik doon na naintindihan naman ni Becky. Itinanong ni Carlitos sa mommy niya na kung wala ba siyang naramdamang itinatagong sikreto ito sa kanya.

Nagkita sina Darlene at Carlitos sa bahay nina Becky. Ikinuwento niya kay Trina gusto sana niyang tanungin ito tungkol sa kanilang dalawa ng daddy niya pero hindi niya magawa. Naisip ni Trina na baka may alam si Felix tungkol sa affair ng daddy nila at ni Darlene.

Binisita ni Carlitos ang puntod ng daddy niya.

May nakilalang lalaki si Monica habang naghahanap ito ng trabaho. Tinulungan niya itong gumawa ng sirang motorsiklo at binigyan siya nito ng trabaho right there and then, ginawa pa siyang assistant nito.

Kinausap nina Trina at Carlitos si Felix (na pinsan ni Becky), at napaamin nila ito na may alam siya sa affair. Nalaman din nila na si Darlene ang may-ari ng condo at ang properties sa Cebu.

Walang imik si Carlitos habang ibinabalita ni Monica na may trabaho na ito. Pilit itinatanong ng isa kun ano ang problema nito pero ayaw muna niyang sabihin ito sa kanya hangga’t hindi pa niya nakaka-usap ang Ate Trina nito. Pero napilitan na rin si Carlitos at sinabi na rin niya sa kanya. Ayaw maniwala ni Monica dahil mataas ang pagtingin nito kay Darlene. Nauwi sa pag-aaway nilang mag-asawa, nasampal tuloy siya ni Monica.

Nagkausap na sina Felix at Darlene nalaman na niyang pati si Carlitos alam na ang affair nila ni Ronald noong nabubuhay pa ito.

Umalis si Carlitos na masama ang loob, dala dala niya ang owner type jeep nina Monica. Naaksidente ito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: