Walang Kapalit, Episode 49

by

Takot na takot si Ronald kay Melanie, at pati daddy nito pilit tinatanong kung totoo ito. Napaihi tuloy siya sa pantalon niya. Bwahaha!

Binigyan ng cake ni Miguel si Vanessa na may “I love you” na nakasulat. Sinabi na ni Miguel kay Ceding ang tungkol sa kanila ni Vanessa. Bahala daw siya sabi ni Ceding. Binalaan naman siya ni Anton na huwag sasaktan si Vanessa. Nasunugan ng bahay sina Anton, kaya inimbita muna nina Arnold at Elaine ang pamilya nito na tumira muna sa kanila, dahil family friend sila. Nagseselos tuloy si Miguel.

Inihatid ni Melanie si Moody kina Ceding dahil baka ano pa ang gawin ni Ronald. Gustong sabihin ni Ceding kay Noel ang natuklasan nila pero ayaw na ipasabi ni Melanie. Ang sabi ni Ceding, baka naman daw si Noel ang magalit sa kanila kapag nalaman niyang matagal na pala nila itong alam at hindi sinasabi sa kanya.

Kinuha ni Melanie ang CD ng video dahil tanga si Ronald at hindi pa niya itinago ito. (Is it only me o naka-label na nanaman ng “CD Scandal” iyong disc?) Bigla na lang sumugod si Cynthia sa meeting nina Melanie, Ronald, at iba pang mga tao. Kinausap niya ng sarilinan si Cynthia at sinampal siya ni Melanie (go, girl!!!). Kung daw gusto lang ni Melanie na agawin si Noel ng walang kahirap-hirap ipapakita na lang daw niya ang video nina Cynthia. Humahanap lang daw ito ng tiyempo para sabihin kay Noel.

Biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Cynthia at nagmakaawa ito kay Melanie na huwag sabihin kay Noel at gumaganti lang naman daw siya dahil may ginagawa rin naman sila ni Noel, hindi ba raw? Sampal na naman ang sumagot sa tanong niyang ito (woooohooo!). Humingi ng tawad si Cynthia kay Melanie. Kay Noel daw siya humingi ng tawad.

Kinausap ni Noel si Cynthia ng sarilinan, at nangako si Cynthia na magiging mabuting asawa na daw siya.

Pilit pa ring kinukumbinsi ni Ceding na sabihin na ni Melanie kay Noel ang mga nangyayari.

Magtatayo ng bar si Brian at hinikayat niya si Miguel na magtrabaho ito sa kanya.

Nakita ni Cynthia si Moody sa bahay nila at hinampas-hampas niya ito. Nagalit si Ceding sa kanya at sinabi nitong alam nila lahat ng nangyari. Isang sumbong lang nila kay Noel, lagot siya.

Nagiging mabait naman kuno si Cynthia kay Melanie, pinagdala pa nito ng lunch sa site (isuot mo nga iyong safety hat mo iha!), pero inisnab lang siya ni Melanie.

Natapos na nila ang building project nila…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: