May Minamahal, Episode 19

by

Pinuntahan nina Darlene at Gloria si Becky, humingi ito ng paumanhin in behalf of her Kuya Cenon. Akala ni Becky galit sa kanya si Carlitos dahil nga pinatay ni Carlitos ang phone nung tumatawag siya. Kaya nagpatulong si Becky kay Darlene para puntahan si Carlitos. Nagpunta si Becky kina Cenon kasama si Darlene na galit na galit namang sinalubong ni Bombit. Nalaman ni Carlitos kung kaya’t muntik na silang magkasuntukan.

Naghinaing si Becky kay Darlene at sinabi niyang hindi na niya kaya dahil nagkakawatak-watak ang pamilya niya.

Sinabi ni Carlitos kay Monica na bumukod na sila. Dahil na rin sa away nila ni Bombit, lalong nagpursigi si Carlitos na kumbinsihin si Monica na bumukod na.

Samantalang si Darlene, hinahanap niya ang picture nila ni Ronald. Narealize niya na baka si Trina ang nakakita noon.

Tinawagan ni Trina si Carlitos at nakipagkita siya dito para sabihin ang nalaman niyang affair ng daddy nila. Napagtagn-tagni (naks, wahat a word) na nina Trina at Carlitos ang mga coincidences ng presence ni Darlene sa buhay nila. Ipinagpasiya nilang huwag muna nilang sasabihin kahit kanino.

Hindi makatulog si Carlitos dahil sa nalaman niyan rebelasyon. Akala ni Monica malapit ng magkaaway sina Becky at Darlene dahil sa nangyayari sa pamilya nila dahil tinatanong ni Carlitos kung nagka-boyfriend na si Darlene. Ang sabi ni Carlitos “Malapit na.” Pinagbati ni Cenon sina Carlitos at Bombit noong nag-aalmusal sila. Sinabi naman ni Monica na baka magka-away na sina Darlene at Becky ayon daw kay Carlitos (ha? hindi naman niya sinabi yun a).

Sa condo na ni Darlene titira sina Cenon at mga kuya ni Monica kaya hindi na nila kailangang bumukod. Patuloy pa ring tahimik si Carlitos dahil inaalala niya ang mga pangyayari. Dumalaw si Carlitos sa bahay nila na mainit namang sinalubong ni Becky. Nagpa-sorry si Carlitos kay Becky sa lahat ng mga nangyayari…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: