Ysabella, Episode 2

by

Pinuntahan ni Victoria si Norman sa kulungan. Palalayain daw niya ito sa kundisyon na ibigay niya ang chicken recipe ni Rosario.

Dinalaw nina Rosario, Ysay, at mga kaibigan nila ang puntod ng tatay niyang si Abdul. Nag-iipon ng bolang kandila si Ysay, kaso may isang bata umaagaw ng mga kandila niya. Hinabol ito ni Ysay na habol habol ng mga body guards. Naglayas daw ito kaya hinahabol siya isusumbong sana niya ito sa mga humahabol sa kanya kaya lang nagmakaawa ito na huwag isumbong. Naglayad daw kasi siya, at the end naging kaibigan niya ito. Kailangan ng umuwi ni Ysay, nakita na rin ng body guard ng bata kaya ang sabi ni Ysay, magkita na lang sila sa sementeryo tuwing November 01. It turned out, anak ni Victoria iyong bata.

Habang pauwi sila, sinabi ni Rosario na magtatayo na lang daw sila ng restaurant ng kaibigan niya, tutal gustong gusto naman ng mag customers ang manok niya. Pag-uwi nila napansin nilang bukas ang kandado ng pinto ng bahay nila. Tinignan niya ang recipe book, pero hindi niya binuksan kaya hindi niya napansin na punit ang pahina kung saan nakasulat ang recipe ng inasal na manok.

Ini-launch na ni Victoria ang “recipe” niya. (Langya naman binigyan ng tig-isa-isang manok bawat tao?) Nagustuhan naman ng mga tao.

Tumama sa Jai Alai ang kaibigan ni Rosario, at inilibre sila sa Florencia’s. Nakita ni Rosario na nagtatrabaho na naman si Norman sa restaurant na iyon bilang waiter. Nabigla sila kasi hindi nila alam na nakalabas na siya. Nag-order sila ng inasal na manok at agad na na-recognize ni Rosario ang recipe niya. Galit na galit na hinanap niya si Victoria pero wala ito.

Dali-dali siyang umuwi para tignan ang recipe book niya. Doon niya nalaman na nawawala ang recipe niya dahil tamad kopyahin ni lalaki ang isang one-page recipe. Sinugod ni Rosario si Norman, siya pa ang galit kay Rosario, kasi bakit daw tinalikuran siya nito. Siya daw ang talagang mahal niya, pero papatayin daw siya ng pamilya ng babaeng nabuntis niya kaya pinakasalan niya ito. Inamin na ni Norman na ninakaw niya ang recipe.

Lumitaw si Victoria sa eksena, inamin din niyang inutusan niya si Norman. Nagka-struggle between them. Naitulak ni Victoria si Rosario sa hagdan at namatay ito. Iyak ng iyak si Norman (so talagang mahal pala talaga nya ito). Inutusan niya ang security guard at si Norman na alisin siya lugar na iyon.

Papasakay na si Victoria sa kotse ng maabutan sila ni Ysay at ni Trining. Idineny niyang nagpunta roon si Rosario.

Hindi pa alam nina Ysay ang nangyari at nag-aalala na sila kaya doon muna natulog sina Trining at ang pamilya nito.

Napanaginipan ni Ysay si Rosario, at mayaman na daw sila…tapos bigla siyang nawala habang kumakain siya ng manok…

Nakita niyang may kausap na pulis sina Trining. Dito niya nalaman na namatay na si Rosario…

Nagpunta sila sa morgue para makita ang bangkay ni Rosario.

Ayon sa mga pulis, sabi ng security guard daw niyang nakita si Rosario na kaaway si Norman. Patay na rin si Norman, sumabog daw ang sasakyan nito. Obviously, binayaran siya ni Victoria.

Ayan lumitaw na si Judy Ann..nangako siya sa puntod ng nanay niya na bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: