Walang Kapalit, Episode 48

by

Tinawagan ng blackmailer si Cynthia at sinabi nito na alam na niya na kasabwat niya si Cynthia. Isoli daw ni Ronald ang lahat ng perang kinuha sa kanya or else bibigyan niya ng copy si Melanie at si Arnold. (Oooh, clever…).

May project sina Melanie at Noel na nagrerequire ng oras nilang dalawa.

Nagkita sina Cynthia at Ronald at isinoli na niya ang pera nito.

Sinabi ni Moody kay Ceding na malaki ang kutob niya na ang lihim ni Ronald ay nasa computer. Binalaan ni Ceding si Moody na mag-ingat sa ginagawa niya dahil alam naman niya kung ano ang kayang gawin ni Ronald.

Tinatawagan pa rin ni Ronald si Cynthia. Kinaumagahan, tinanong ni Melanie kung sino ang kausap ni Ronald dahil may narinig itong sinasabi ni about a video. Sinabi ni Ronald na kausap niya ang kaibigan niya na gumawa ng sex video.

Nakita na ni Moody ang sex video nina Ronald at Cynthia pero si Cynthia lang ang nakilala niya at hindi si Ronald. (Hay, naku ang tanga talaga ni Ronald. Bakit hindi niya lagyan ng password ang laptop niya? Ako nga, walang ibang gumagamit ng laptop ko may password…wala naman akong secret😆 ). Muntik na siyang mahuli ni Ronald, buti nakapagtago siya.

Nagkaroon ng argumento sina Melanie at Noel tungkol sa trabaho nila. (Dapat naman talaga si Melanie ang pakinggan dahil siya ang engineer.) Nagka-confrontation sila tungkol dito.

Agad na ibinalita ni Moody kay Ceding ang video nina Cynthia at Ronald. Ayaw ni Moody na siya ang magsabi (dahil ayaw pa raw niyang makita si Lord😆 ), kaya si Ceding na ang nagsabi. Pinanood ni Melanie ang video. Ayaw sabihin ni Melanie kay Noel dahil gusto niya itong protektahan. (Nooooooooo! Ipakita mo na kasi. Geez.)

Masaya na si Cynthia, sinabi niya kay Noel na hindi na niya kailangan ng operasyon at isinoli na niya ang pera nito.

Pagpasok ni Ronald, putok ng baril ang isinalubong ni Melanie sa kanya at pilit na pinapaamin niyang siya ang lalaki sa video…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: