Walang Kapalit, Episode 47

by

Takot na takot si Moody, tinawagan niya si Ceding at nagsumbong dito. Wala naman pala itong nakita dahil napuwing daw ito pagpasok niya ng pintuan ng kwarto. Ang laki daw ng problema niya kasi wala siyang idadaldal😆

Tinawagan ni Noel si Melanie at sinabing hindi na muna ito papasok dahil nag-away sila ni Cynthia at hindi muna siya uuwi sa kanila. Pinuntahan siya ni Melanie dahil kailangan daw niya ng kausap. Naka-check in ito sa isang hotel (Chateau Manila?). Pagpasok ni Melanie sa kwarto, narealize niyang mali ang ginagawa niya. Paalis na ito at pinigilan siya ni Noel…muntik na silang maghalikan. Pero umurong si Cynthia Melanie*, kasi para daw pinatunayan na nilang tama ang hinala ng mga asawa nila sa kanila. Totoo naman daw ito sabi ni Noel dahil hindi nawala sa puso at isipan niya si Melanie. Pero hindi pa rin maconvince si Melanie. Huwag daw nilang bigyan ng dahilan para maging tama ang mga asawa nila.

Concern na concern si Miguel. Ayan binigyan siya ng milk para instead of coffee. Baka naman daw tumaba siya sabi ni Vanessa. Okay lang daw sabi naman ni Miguel para mas masarap yakapin.

Tumawag si Cynthia kay Ronald dahil hindi pa umuuwi si Noel at sinabi nito bakit pa siya magbabayad kung wala na siyang asawa. Dumating si Brian (ang bilis ha!) sa bahay nina Cynthia at Noel.

May natanggap na e-mail si Arnold na nagsasabing nakita daw niya si Melanie at Noel na nag-check-in sa isang hotel at marami na raw ang nagtsitsismisan sa kanilang dalawa. Kinausap niya si Melanie tungkol dito na agad naman itinanggi nito. Naniwala naman ito sa kanya pero sana daw ay magkaayos na silang mag-asawa. Pero ayaw pumayag ni Melanie…

Nagka-usap sina Noel at Brian. Dito nalaman ni Brian “may sakit sa puso” si Cynthia.

Napag-desisyunan na ni Melanie na makipagbalikan kay Ronald. (Why, damn it,why???????????????) Bumalik na nga ito kina Ronald. Magbabago na daw si Ronald. Nakipagbati na rin si Cynthia kay Noel…🙄

Etong si Moody, nacurios sa pinapanood ni Ronald sa laptop. Pinakialaman nito ang laptop ni Ronald, kaso dumating si Vanessa.

Nalaman na ni Cynthia na may kinalaman si Ronald sa pamba-black mail…

*Thanks to Nagbabasa for the correction.

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 47”

  1. nagbabasa Says:

    Pagpasok ni Melanie sa kwarto, narealize niyang mali ang ginagawa niya. Paalis na ito at pinigilan siya ni Noel…muntik na silang maghalikan. Pero umurong si Cynthia, kasi para daw pinatunayan na nilang tama ang hinala ng mga asawa nila sa kanila.

    * mistake – instead na si Melanie, si Cynthia nakapangalan na umurong… kahit napanood ko na, nakakakilig pa ring basahin …

  2. ptvj Says:

    nagbabasa: thanks, napalitan ko na. lagi ko ngang napapainterchange ang mga pangalan nila. kanina nga, sinusulat ko iyong sa may minamahal, cynthia ba naman ang nailagay ko😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: