May Minamahal, Episode 18

by

Nakita ni Darlene si Trina sa airport habang kinukuha ng huli ang mga bagahe niya, delayed naman ng 4-hours ang flight ng una kaya nakiusap siya na baka sa pwedeng sa kanya na muna siya magstay habang naghihintay siya. Reluctantly, sinama naman siya ni Darlene sa bahay niya.

Aliw na aliw naman si Trina sa bahay ni Darlene up until the moment na nakita niya ang picture ng daddy niya at ni Darlene na nakalagay sa isang kahon. Bigla na lang siyang umalis ng walang paalam habang nagbabalot ng mga pasalubong si Darlene para kina Becky.

Nagsasaya naman si Felix dahil nakita na niya ang papeles na hinahanap niya.

Samantalang, naiinis pa rin si Carlitos kay Bombit. Lalo na noong isinuot ni Bombit ang mga formal shoes niya na kailangan niyang isuot para sa presentation ng kumpanya niya. Pinayuhan siya ni Leo na bumukod na sila ni Monica.

Pag-uwi ni Trina, iyak ng iyak ito dahil sa nalaman niyang affair ng namatay niyang ama at ni Darlene.

Umuwi si Darlene sa Manila para puntahan si Cenon. Nalaman lang nito ang nangyaring pagkakasunog ng bahay nina Cenon kay Trina. Sa condong tinitirhan niya na niya pinatira ang mga ito.

Samantalang naghi-hysterical na Becky dahil wala na silang groceries, nasigawan pa niya pati si Trina dahil hindi daw siya kagaya ni Carlitos.

Naibigay na ni Felix kay Darlene ang titulo ng lupa. Nakita sila ni Gloria at isinama niya ito kina Becky.

Nag-apply ng trabaho si Monica bilang mekaniko. Dahil puro lalaki ang mga applicants, sinisipulan pa siya ng mga ito. Hindi siya tinanggap binastos pa siya ng lalaking nagmamanage ng mga applicants (kailangan daw niya ng masahista, etc…).

Tinatawagan ni Becky si Carlitos pero nasa gitna ito ng presentation kung kaya’t kinailangan niyang patayin ang cellphone niya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: