May Minamahal, Episode 17

by

Bumalik sina Cenon sa dati nilang bahay na natupok na ng apoy. Sumunod si Monica doon. Nalaman nilang nandoon pa pala si Didoy. Nakituloy sila sa isang kaibigan, si Ka Pilo, kaso wala silang kwartong tutulugan dahil puno na ang bahay nila. Iniisip ni Cenon na ibenta ang lupa ng bata. Ayaw pumayag ni Monica dahil iyon na lang ang natitirang alaala ng ina niya. Hahanap daw ito ng trabaho, kahit hindi pa pala ito nakakapag test sa board exam. (Ayan, wala pa palang hanap buhay aasa-asawa ka).

Nawala ng airline ang bagahe ni Darlene, ilang araw na itong hinahanap.

Nasa labas sina Cenon sa ulan, biglang dumating ang basang-basang si Carlitos. Galit sila kay Carlitos, dahil akala nila susunduin niya si Monica. Hindi naman daw niya susunduin ito, sasama daw si kay Monica kahit saan ito magpunta. Lumuhod ek-ek pa siya sa gitna ng ulan at humihingi ng tawad🙄 . Naantig nama ang puso ni Monica…bati na sila ulit. Nagyakapan sila sa gitna ng ulan.

Tumataas na naman yata ang blood pressure ni Becky. Nagkakagulo na sila dahil nga umalis na si Carlitos. Nangako naman si Trina, susubukan niyang tumayo sa lugar ni Carlitos (dapat lang no…in the first place panganay siya at siya naman talaga dapat ang nag-assume ng responsibilities nung namatay ang daddy niya. Lalo na’t wala naman alam gawin si Becky).

Natutulog sina sa Monica sa isang sasakyan. Si Cenon pala ang nagsabi kung saan sila matatagpuan. May malilipatan na daw sila dahil nagpahanap na si Carlitos sa kaibigan niya.

Hindi pa raw mahanap ni Felix ang mga documents noong bahay sa Cebu.

Nakalipat na sina Monica sa isang 1-bedroom apartment. Sam-sama sila doon kasama si Carlitos at si Didoy.

Pinapatagay ng mga tambay (na nag-iinuman sa labas ng gate nila😆 ) sina Carlitos at Monica. Tinutuya pa siya ni Bombit…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: