Ysabella, Episode 1

by

Intro:

Ulila na sa ama (dati itong stunt man) si Ysabella/”Ysay” at ang ina na ang na si Rosario at ang amain niton si Norman ang kasama niya. Palaging puso ang pinaiiral ni Rosario kung kaya’t laging humingi ng pera sa Norman sa kanya, hindi niya ito iniiwan.

Ang Chef at part owner ng Florencia’s Restaurant na si Victoria ay nangangani ba na mawalan ng negosyo. Ayaw siya ng pamilya na namayapa niyang asawa na si Ontario dahil mahirap lamang ito dati. Ginigipit siya ni Sofia (kapatid ni Ontario) na kung hindi siya magpoprodce ng bagong menu isasara na nila ang resturant dahil hindi na ito masyadong kumikita.

Ang tanging pangarap lamang ni Rosario ay makapag-aral sa isang magandang iskwelahan para maging isang tanyag na chef pagdating ng araw…

Ang nangyari:

Ipinakita ni Rosario kay Ysay ang pagluluto niya ng inasal na manok gamit ang secret recipe. Matrabaho at masyadong kumplikado ang pagluluto nito, pero masarap ito at gustong gusto ng mga cutomers nila. Wala silang permanenteng pwesto kung kaya’t sa kalye lang sila nagtitinda. Pero patok na patok pa rin ang tinda niyang manok.

Nahuli ng pulis si Rosario kung kaya’t napilitang gamiting pang-piyansa ang naipon niyang pera na gagamitin sana nilang pang-enroll ni Ysay sa Montessori. Pero nagastos na pala ni Norman ang lahat ng pera kung kaya’t hindi nila mailabas si Rosario. Sasamahan na lang sana ni Ysay si Rosario kahit matulog na lang ito sa sahig sa may presinto pero biglang dumating si Norman na may dala-dalang pera.

Nakulong si Norman dahil ninakaw pala niya ang pera sa Florencia’s. Nakiusap si Rosario kay Victoria na palayain na si Norman. Ipinagdala pa niya ng inasal si Victoria pero pinalayas lang niya ito. Nakita ni Victoria na kinakain ng staff niya ang manok na dinala ni Rosario, tinkman niya ito at nagustuhan niya ang lasa.

Pinuntahan ni Victoria si Rosario para sabihing palalayain niya si Norman ung ibibigay ni Rosario ang recipe ng chicken inasal niya. Pumayag naman si Rosario, pero bago niya ibinigay, pinuntahan muna niya si Norman para ibalita dito ang pangyayari. DOon niya nalamang may asawa na si Norman at buntis pa ito.

Ipinaalam ni Rosario kay Victoria na hindi na niya ibibigay ang recipe.

Nalulungkot si Rosario dahil wala na siyang pera para ipang-enroll kay Ysay. Ipinapangako niya kay Ysay na magsisikap ito sa buhay at utak ang pairalin niya hindi ang puso niya…

Ang sa ganang akin:

Mukhang maganda ang istorya nito, ah. Noong una skeptical ako, kasi naman iniisip ko kung bakit hindi niya alam ang sarili niyang recipe…napaka-intricate naman pala ng recipe niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: