Walang Kapalit, Episode 46

by

Itinanong ni Noel kung saan dinala na ni Cynthia ang P1M. Nagsinungaling si Cynthia at sinabi niya na may sakit ito sa puso. Sasamahan daw niya sa doctor si Cynthia, siempre hindi pumayag ito. Sinabi niya ito kay Melanie. Gustong bumalik ni Noel sa Australia para doon operahan si Cynthia. Nagpaalam si Noel kay Melanie.

Pinuntahan ni Ronald si Melanie, nakikipag-peace ito sa kanya. Binigyan siya ng regalo pero ayaw niyang tanggapin na ikinagalit naman ni Ronald.

Nakita ni Noel si Cynthia na umiinom ng red wine. Nagalit si Noel sa kanya. Sinabi ni Noel kay

Cynthia na babalik na sila sa Australia. Ayaw pumayag ni Cynthia ang sabi ni Noel, tatawagan daw niya ang doctor para sabihing sa Australia sila magpapa-opera. Nagdududa si Melanie sa sinasabi ni Cynthia (dahil nga iyon ang ikinamatay ng mommy niya) na ginatungan naman ni Moody at sinabing siguradong kasabwat ni Cynthia si Ronald.

Tumawag ulit ang black mailer sa bahay nina Cynthia. Sinabi nitong may kopya pa ito ng CD. Humingi ito ng P1.5 M(?). HUmingi ng tulong si Cynthia sa Ninang niya, ibinenta niya ang mga alahas niya dito. At ibinigay niya ang pera sa nagmaba-black mail sa kanya.

Sina Vanessa at Miguel naman nag-uusap na ulit. Kumain pa sila sa isang karinderya.

Sinabi ni Melanie kay Noel na mag-iwasan muna sila dahil pinagtsitsimisan sila ng mga tao sa opisina.

Sasamahan daw ni Noel si Cynthia sa doctor dahil gusto daw nitong makausap ang doctor niya. Nagdefensive mode naman si Cynthia at nagalit ito at sinabing parang pinagdududahan niya ito.

Nakatanggap ng text si Cynthia in the middle of the night galing sa black mailer, humingi ito ng P2.5M. Kinaumagahan, nagdahilan si Cynthia kay Noel para makuha niya ang pera, may gusto daw siyang bilhin ng lupa as investment. Mahal daw iyon sabi ni Noel. Nag-away sila blah blah blah…

Sa bandang huli pumayag na si Noel. Bibigyan daw siya nito ng P1.5M ipangdagdag na lang daw doon sa P1M na kinuha nito sa kanya kung hindi naman pala siya ooperahan muna. Lalong nagalit ang si CYnthia. Umalis si Noel, nagkasagutan naman sila ni Ceding.

Nagpunta si Moody na bahay nina Ronald dahil may pinapakuha si Melanie sa kanya. Nakita niyang pinapanood ni Ronald ang sex tape. Sinakal ni Ronald si Moody at binalaan na papatayin niya ito kung ipagsasabi niya ang nakita niya…

Ang sa ganang akin:

I can’t wait until Noel finds out about the video…😈

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: