Walang Kapalit, Episode 44

by

Ang nangyari:

Nalaman na ni Ronald na umalis na ng bahay si Melanie at tuluyan na siya nitong iiwan. Galit na galit siya, pero hindi daw siya pwedeng lumapit kay Melanie dahil may restraining order na inihain si Melanie sa kanya.

Kahit labag sa loob ni Arnold, pinirmahan pa rin niya ang loan ni Noel dahil bahagi ito ng usapan nila ni Melanie.

Nabayaran na ni Miguel si Vanessa kaya lungkot na lungkot ito dahil ibig sabihin daw nito hindi na siya sasamahan ni Miguel. Pero sinamahan pa rin siya ni Miguel.

Ibinalita ni Melanie kay Noel na aprubado na ang loan niya kaya masayang masaya ito, bigla namang dumating si Cynthia. Pero sa halip na sumaya, binastos pa nito si Melanie. Umalis si Melanie, pero kahit nagalit si Noel sa kanya hindi pa rin siya nakuntento at sinundan pa rin niya si Melanie para inisin ito.

Sinabi ni Arnold kay Noel na si Melanie ang dahilan kung bakit naaprove ang loan nito.

Nag-umpisa na ang panunuya ni Ronald kay Cynthia. Tinatawagan nito ng paulit-ulit at lagi naman siyang binabara ni Cynthia.

Niyaya ni Noel si Melanie na mag-almusal. Nagsalo sila ng pagkain sa mismong opisina dahil ayaw daw ni Noel na mag-almusal ng away.

May dumating na package para kay Cynthia. Binuksan niya ito at isinalang niya ang CD (na may label na “CD Scandal”🙄 ) at nakita niya ang sex video nila ni Ronald. Nanlumo na lamang ito…

Ang sa ganang akin:

Payback is a bitch, right Cynthia?

Nakakainis naman si Recy, pilit kinakampihan si Ronald. Geez.

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 44”

  1. Avid Viewer Says:

    Na-isip ko lang… kung nakita mo yung nilalaman ng CD… parang ang lapit nung kumuha nung video sa kama, and ang steady ng kamay, when actually nakatago siya sa loob ng closet! Wow! Bilib ako sa pagka-cameraman niya, kung sino man yun! Hehe.

  2. ptvj Says:

    hahaha! oo nga, ano? atsaka parang ung angle ng pagkakakuha, parang dapat nakatayo siya over them nung kunan niya yun…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: