May Minamahal, Episode 14

by

Ang nangyari:

Araw ng kasal nina Monica at Carlitos.

Late na nagising ang dalawang kuya ni Monica kaya medyo nahuli sila, pagkatapos nakalimutan pa ni Carlitos ang singsing kaya kinailangan nilang bumalik.

Sa simbahan naman habang hinihintay nina Becky ang mga ikakasal, nakausap niya ang isa sa mga kaibigan ni Ronald at nabanggit nito na may ibinenta siyang lupa kay Ronald sa Cebu. Itinanong niya kay Felix ang tungkol dito pero siempre kunwari walang alam ang isa. Tapos naisipnaman ni Gloria na taga-Cebu si Darlene, kung kaya’t balak nilang magpatulong dito pag nahanap na nila ang titulo.

Ayun ikinasal na sila. Maganda iyong wedding dress niya pati ang mga gowns ng wedding party. Noong idineklara na mag-asawa sila biglang nagtalunan ang mga side ni Monica, samantalang buong hinhin namang pumalakpak ang side ni Carlitos. Kinagabihan sa honeymoon nila ang sabi ni Monica: “Eto na iyong the birds and the bees, no?”😆

Hindi makatulog si Carlitos dahil ang lakas palang humilik ni Monica. Kaya kinaumagahan, noong ipinaghanda siya ng breakfast in bed nito, antok na antok siya. Napilitan siyang sabihin kay Monica na naghihilik nga ito.

Unang umaga na wala sa bahay si Monica, kaya nalulungkot ang pamilya niya. Sumaya lang si Cenon noong tumawag sa telepono si Monica.

Umuwi na rin sila sa bahay nina Becky. Tita pa rin ang tawag niya dito, pero sabi ni Becky “Mom” na lang daw ang itawag niya dito.

Nagpasiya si Darlene na umuwi muna ng Cebu. Kinausap niya si Felix habang hinihintay niya ang flight niya. Nakita sila ni Trina, at saktong siya pala ang flight attendant ng sasakyang eroplano ni Darlene…

Ang sa ganang akin:

Bakit ba naka-bandage pa rin iyong mukha ng kuya ni Monica? Sino siya si Nelly?

2 Tugon to “May Minamahal, Episode 14”

  1. Avid Viewer Says:

    Ang masasabi ko lang… ang ganda talga ni Cherie Gil. Ang ganda nung damit niya din. Class talaga.

  2. ptvj Says:

    i love cherie gil! she’s such a great actress.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: