Maria Flordeluna (June 21, 2007)

by

Ang nangyari:

Nakuha na ni Torres ang keycard na itinago ni Jo. Hindi pa niya idinispatsa sina Jo dahil kailangan pa niya ang tulong nito sa pagkuha niya ng isa pang key card na kailangan niya na na kay Gary naman.

Nagkita na naman sina Leo at Gary. Pareho silang papunta sa hide out ni Torres para iligtas sina Jo. Kailangan nila ng tulong ng isa’t isa kung kaya’t hindi muna sila nagpatayan. Nagtulong silang sugurin na si Torres at iligtas si Jo.

Tinawagan ni Leo ang namumuno sa kanila para sabihing may kinalaman si Torres sa lahat ng nangyayari sa kanila. Nangako naman ito na amgpapadala ng mga tauhan para tulungan si Leo.

Si Flor naman napanaginipan na naman niya si Baby Julia at nanghihingi ito ng tulong sa kanya.

Sa wakas nakita na rin ni Leo ang pamilya niya. Nagyakap silang lahat, pero hindi nagtagal at dumating si Gary para sabihing kailangan na nilang umalis. Nabigla silang lahat dahil hindi nila alam ang istorya. Sabi ni Leo tsaka na lang siya magpapaliwanag.

Nakalabas na sila pero nagkahiwahiwalay sila sa gubat(?). Sina Jo, Flor, at Brigida na nahihirapan ng tumakbo ang magkakasama, sina Reneboy at Wilma naman ang magkasama. Habang sina Leo at Gary ay nakikipagbarilan pa.

Nakita ni Leo sina Reneboy at Wilma. Nakarinig sila ng putok ng baril. Nabaril si Brigida…

Ang sa ganang akin:

Hay naku wala ng suspense, halos lahat ng mangyayari bukas ipinakita na dun sa preview.

7 Tugon to “Maria Flordeluna (June 21, 2007)”

  1. nawawala Says:

    oo nga eh!

  2. Maria Flordeluna, Happy Slip and Levy Aureus - PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS) Says:

    […] me — judging from my kids’ reaction to the penultimate episode Thursday evening — Maria Flordeluna easily beat out its competition over at […]

  3. paul Says:

    sana punta kayo dito sa bacolod!! crush ka ng mga tao dito!!pag laki mo aakyat kmi ng ligaw sayo ha?
    jowk!!
    lakas nyu dito sa bacolod city! love na love namin yung pelikula mo!!

  4. Florante Domagas Says:

    Ibig ko lang ipaabot ang aking lubos na paghanga sa lahat ng bomubuo sa Flor deLuna. Napakaganda ng istorya at halos lahat ng kasambahay ko sa La Mirada, California ay nagsi-iyak. Naging maganda ang wakas “napaka-emotional”. Halos araw-araw nitong huling linggo ay nakikipagunahan ako sa daloy ng trapiko sa freeway para lang maabutan ko ang magandang wakas the Flordeluna. Mabuhay kayong lahat. Sana magkaroon pa kayo uli ng magandang istorya. Ito ba ay tuloy tuloy na sapagkat sa huling araw ng palabas ay ipinakitang malaki na ang bunsong anak ni Jo. Siya ba ang magiging bagong FlordeLuna?

    Florante

  5. sandy ramos Says:

    hi ano poh ril name nio???

  6. ptvj Says:

    sandy, sikretong malupit iyon.

  7. cherelle Says:

    i can’t belive maria flordeluna died in the show

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: