Walang Kapalit, Episode 43

by

Ang nangyari:

From the look on her face, nagsisisi si Cynthia sa ginawa nila ni Ronald. Pag-uwi niya nadatnan naman niyang naghihintay sa kanya si Noel at nagalit ito at dis-oras na ng gabi at wala pa siya. Samantalang si Ronald naman, tumawa ito ng malakas sa natutulog na si Melanie. (As if naman na may care si Melanie, no?)

Nagpaalam si Noel kay Melanie. Matatayo na lang daw ito ng sarili niyang negosyo para wala ng gulo dahil nga lagi silang nag-aaway ni Cynthia. Nag-apply ito ng loan sa kumpanya pero hindi ito naaprubahan. Kinausap ni Melanie si Arnold, pero sinabi nito kay Melanie na hindi niya a-approve-an ang loan niya dahil pinuprotektahan niya nag kumpanya. Dahil baka dumating ang araw at maging kalaban pa nila sa negosyo si Noel. (He’s got a point)

Patuloy pa rin ang “paniningil” ni Vanessa ng mga pautang niya kay Miguel. Inamin ni Vanessa kay Melanie na gusto niya si Miguel, at si Miguel naman kay Noel umamin. Nalaman din ni Noel na may utang ito kay Vanessa, kaya sinabi niyang siya na ang magbabayad.

Nahuli na ang mga bombers at nalaman na rin ni Melanie na si Ronald ang may pakana ng lahat. Idinemanda ni Melanie si Ronald at nahuli na ito ng mga pulis. Kahit anong pakiusap ni Elaine ayaw iurong ni Melanie ang demanda. Nagalit si Elaine kay Arnold dahil wala man lang itong ginagawa para sa anak nila. Hindi nga nagpapaluto ng pagkain si Elaine sa bahay hangga’t hindi daw umuuwi si Ronald. (Para namang walang pwedeg kainan iyong tao labas no?)

Kinausap ni Arnold si Melanie. Pumayag si Melanie na iurong ang demanda kay Ronald sa mga kundisyones na: 1) approve-an ni Arnold ang loan ni Noel, at 2) maghihiwalay na sina Melanie at Ronald.

Lumipat na ng tirahan si Melanie kasama si Moody.

Nakauwi na si Ronald at sinalubong ng suntok ng daddy niya. Nangako si Ronald sa sarili niya na sisirain niya ang pangalan ni Noel…

Ang sa ganang akin:

Hay salamat, hiwalay na sina Melanie at Ronald!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: